配信日
2018年03月15日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-54]Buwis para sa mga Sasakyan
Ang mga nagmamay-ari ng sasakyan pagdating sa Abril 1, 2018 ay kailangang magbayad ng buwis sa sasakyan.

Paraan ng Pagbabayad at Panahon:
Matatanggap ang abiso sa pagbabayad ng buwis (form para sa pagbabayad ng buwis) sa unang bahagi ng buwan ng Mayo.
Bayaran ang nakasaad na halaga sa nasabing abiso, sa bangko, post office, o convenience store bago May 31 (Thu).
Maaring gamitin ang credit card sa pagbabayad sa pamamagitan ng internet.
Maari ring magbayad sa ATM, internet banking at mobile banking na puedeng gamitin ang Pay-easy.

Pagpapalit ng Pangalan ng May-ari ng Sasakyan:
Kapag ibinenta ang sasakyan, mangyaring ilipat ang pangalan sa bagong may-ari.
Kung hindi isinagawa ang prosesong ito, patuloy na makakatanggap ng abiso sa pagbabayad ng buwis sa sasakyan.

Automobile Tax Call Center TEL:045-973-7110 (Wikang Hapon)

Automobile Tax Prefectural Administration Office TEL:045-716-2111 (Wikang Hapon)

※Mangyari lamang na ipaalam sa [infokanagawa@kifjp.org] kung hindi gumagana ang mga link ng mga website na nakatala.
※Para sa mga magpapadala ng e-mail:
Maaaring mangangailangan ng ilang araw bago masagot sa inyong e-mail. Pag wala pang sagot na natanggap pagkalipas ng 2 hanggang 3 araw, mangyari lamang na tumawag sa numerong naka-saad sa ibaba.
Tagengo Navi:045-316-2770
Nagbibigay kami ng impormasyon na kailangan sa araw-araw na pamumuhay sa Japan, at may libreng konsultasyon tungkol sa mga suliranin na katulad ng kaibhan sa kinagawian sa Japan sa inyong pinanggalingan.

〇Mga wika at araw: (mula pa ng 2017/4)
Ingles: Martes, Miyerkules
Intsik: Lunes, Huwebes
Tagalog: Lunes, Martes
Byetnam: Huwebes, Biyernes
Espanyol: Miyerkules, Biyernes
Wikang Hapong madaling maintindihan: Lunes~Biyernes

○Oras ng konsultasyon sa tanggapan at sa telepono: 9:00-12:00・13:00-17:15
※Sarado kapag Sabado, Linggo, Public Holidays at Bagong Taon

**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail: infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”. Maaring direktang magparehistro sa website. Mababasa rin ang mga back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ