配信日
2018年03月23日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-55]Suporta para sa Pag-aaral sa Senior High School, Iskolarsip
□Suporta sa Bayad sa Pag-aaral sa Senior High School, Suportang Pananalapi para sa Pag-aaral
Maaaring babayaran ng gobyerno ang bahagi o kabuuan ng tuition nang diretso sa high school mismo, kapag nakapag-aplay bago mag-deadline.
Ang maaaring mag-aplay ay ang pamilyang may taunang kita na mas mababa sa mga 9.1 milyon yen.
(Wikang Hapon) http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f328/p4425.html
(Ingles, Intsik, Koreyano, Espanyol, Portuges, Thai, Tagalog, Nepalese, Vietnamese, Cambodian) http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f533732/
Public High School: Prefectural Education Financial Affairs Division TEL:045-210-8113 (Wikang Hapon)
Private High School: Prefectural Private Private School Promotion Division TEL:045-210-3793 (Wikang Hapon)

□Ang nararapat sa iskolarship ng Kanagawa Prefecture Senior High School
Ang mga mag-aaral sa senior high school na seryoso sa pag-aaral ngunit nangangailangan ng suporta sa pagbabayad sa paaralan ay
maaring makahiram sa iskolarship o shogakukin.
Kailangang bayaran ang nahiram na iskolarship o shogakukin pagka-graduate ng senior high school.
Para sa mga nais makahiram sa iskolarship, mangyaring kumonsulta sa mga guro ng pinapasukang senior high school.
(Wikang Hapon) http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f324/
TEL:045-210-8251 (Wikang Hapon)
Prefectural Education Financial Affairs Division

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ