配信日
2018年03月30日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-56]Tagengo Navi Kanagawa (Gabay sa Iba't-ibang Wika sa Kanagawa), Consultation desk sa edukasyon
□Tagengo Navi Kanagawa (Gabay sa Iba't-ibang Wika sa Kanagawa)
Huwag mag-atubiling tumawag kung nais magtanong tungkol sa mga mahahalagang impormasyon sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng pang-medikal, kalusugan pampubliko, pagpapalaki ng bata, at mga impormasyon sa tamang asal o ugali sa Bansang Japan.
Libre ang konsultasyon. Ang inyong lihim ay protektado.
Telepono:045-316-2770
Pagtawag/Pagdalaw sa tanggapan:9:00-12:00, 13:00-17:15
※Sarado sa mga sumusunod na araw: Sabado, Linggo, Official Holidays, New Year's Eve, New Year's day at sa mga araw kung kailan sarado ang Kenmin Center.

Wika at araw:
Ingles: Martes, Miyerkules
Intsik: Lunes, Huwebes
Tagalog: Lunes, Martes
Biyetnam: Huwebes, Biyernes
Espanyol: Miyerkules, Biyernes
Wikang Hapong madaling maintindihan: Lunes-Biyernes
Address:Yokohama-shi, Kanagawa ku, Tsuruya cho, 2-24-2
Kanagawa Kenmin Center 13F
(Maglakad ng 5 minuto mula West Exit o North West Exit ng Yokohama Station.)
(Wikang Hapon, Ingles, Intsik, Tagalog, Biyetnam, Espanyol) http://www.kifjp.org/kmlc
Kanagawa International Foundation (KIF)


□Konsultasyon hinggil sa Edukasyon sa Earth Plaza
Maaring kumonsulta ukol sa sistema ng paaralan sa Japan, makakahingi ng impormasyon ukol sa mga klase sa pag-aaral ng wikang Hapon
o mga klase para bigyan ng suporta ang mga estudyante sa pag-aaral, o kaya'y tungkol sa paghahanda para sa mga dayuhang mag-aaral na lilipat ng eskuwela, at mga materyales at dokumento na maaaring gagamitin sa pag-aaral nila o pagtuturo sa kanila.
Libre ang konsultasyon. Pananatilihing kompidensyal ang paksa ng konsultasyon.

Nararapat:Dayuhang mag-aaral, tagapangalaga o magulang, paaralan, taga-suporta
Wika at Araw ng Konsultasyon:
Tagalog: Martes
Portuges: Miyerkules
Intsik: Huwebes,Sabado
Espanyol: Biyernes
Wikang Hapon: Martes-Sabado
Oras: 10:00-13:00, 14:00-17:00 (Tumatanggap hanggang 16:30)
TEL: 045-896-2972 (Intsik, Tagalog, Espanyol, Portuges)
045-896-2970 (Wikang Hapon)
※Mangyaring tiyakin ang mga petsa sa website.
(Intsik, Tagalog, Espanyol, Portuges) https://www.earthplaza.jp/forum/foreign_education/
Email: soudan1@earthplaza.jp
FAX: 045-896-2894
Address: Yokohama-shi Sakae-ku Kosugaya 1-2-1 Chikyu Shimin Kanagawa Plaza(Earth Plaza) 2F
(JR Negishi Line: paglabas ng Hongodai station, lumiko sa kaliwa at maglakad ng kaunti)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ