配信日
2018年05月09日
配信先グループ
Tagalog
[IKT18-4] Earth Festa Kanagawa 2018
Ito ay isang kaganapan kung saan nagtitipon ang mga taong may iba't-ibang nasyonalidad at kultura upang magkaroon
ng kaalaman sa iba't-ibang kultura at pananaw.
Mayroong mga food stalls, bazaar, pagtatanghal ng musika at sayaw sa entablado at mga masasayang try-out courses na
masusubukan ng mga mag-anak.
Walang bayad ang pagpasok dito.
Petsa/Oras: May 19, 2018 (Sat), at 20 (Sun) 10:00-17:00
Lugar: Earth Plaza (JR Negishi Line, 3 minutong lakad mula sa istasyon ng Hongodai)
Sanggunian:
Earth Plaza TEL 045-896-2916 (Maliban sa araw ng Lunes)
Kanagawa Prefecture International Division TEL 045-210-3748 (Maliban sa araw ng Sabado)
http://www.earthplaza.jp/earthfesta/
(Wikang Hapon, Koreyano, Intsik, Espanyol, Ingles, Portuges)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ