配信日
2012年11月02日
配信先グループ
Tagalog
[IKT12-31]Libreng Pagsusuri ng Kalusugan ng mga Dayuhan (May mga tagasalin ng wika)
Maaaring magpasuri ng kalusugan ang kahit na sinuman. Alamin ang kalagayan ng katawan upang makapaghanda sa anumang karamdaman at magamot o maagapan ang anumang sakit o karamdaman.

■Petsa: Nob. 4 (Linggo) 
■Oras: 12:00~15:00
■Lugar: Fujisawa Catholic Church (5 minutong lakad mula sa Fujisawa station, JR Odakyu Enoshima Line)
■Nilalaman ng Pagsusuri: Chest X-ray, Blood Pressure, Urine Examination, Physical Examination. Mayroon din konsultasyon ng notaryo publico tungkol sa visa.
■Walang bayad.
■May tagasalin ng wika o interpreter ng mga wikang Espanyol at Tagalog.
■Para sa katanungan
MIC Kanagawa TEL: 045-314-3368 
Minatomachi Clinic TEL: 045-453-3673
Homepage: http://mickanagawa.web.fc2.com/event_1.html
※Magkakaroon ng libreng pagsusuri ng kalusugan sa lungsod ng Tsurumi sa Peb. 3, 2013 at lungsod ng Kawasaki sa buwan ng Marso.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ