配信日
2018年12月20日
配信先グループ
Tagalog
[IKT18-30] Mga Nararapat Pag-ingatan sa Pagtatapos ng Taon at Bagong Taon (Nenmatsu-nenshi)
Tandaan ang mga sumusunod:

1. Pagpapasuri sa ospital:
Ang mga ospital at medikal na institusyon ay sarado sa mga pista opisyal ng Bagong Taon.
Mangyaring alamin ang mga sapat na gamot na iinumin hanggang sa susunod na araw ng pagpapasuri at alamin din ang mga pagamutan o medikal na institusyon na maaring
mapuntahan kapag may emergency o mangangailangang magpagamot.

2. Mag-ingat sa mga nakahahawang sakit:
Sa panahon ng taglamig, madaling mahawa sa mga sakit na tulad ng influenza, sipon,
pulmonya at gastroenteritis. Gumamit ng surgical mask kapag nasa labas, ugaliing magmumog at maghugas ng kamay, matulog at kumain nang sapat.

3. Mag-ingat sa labis na pagkain at pag-inom:
Magkakaroon ng maraming pagkakataon na maaring sumobra sa pagkain at pag-inom dahil
sa mga year-end party o BOUNEN-KAI at new year party o SHINNEN-KAI.
Higit na bigyang pansin o mag-ingat sa labis na pag-inom ng alak.

4. Tiyakin na susian ang bahay kapag maiiwan ito nang walang tao nang mahahabang panahon: Mag-ingat sa mga naiipon na sulat at iba pa sa post box dahil magiging palatandaan ito na walang tao sa bahay.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ