配信日
2019年02月19日
配信先グループ
Tagalog
[IKT18-35] Kasal・Diborsyo (Nawastong bersyon)
■Kasal
May mga kondisyon na nakatakda sa batas sa Japan na kailangang tuparin bago makapagpakasal.
1. Sa pag-aasawa, kailangang makatuntong ng 18 taon ang lalaki at 16 na taon ang babae.
2. Kinakailangan ang pahintulot ng mga magulang para sa mga batang wala pang 20 taong gulang.
3. Bawal ang bigamya. Kailangang hindi kasal sa iba.
4. Kapag magpapakasal muli ang isang babaeng hiwalay na sa asawa, kailangang nakalipas na ang 100 araw mula sa petsa ng legal na diborsiyo.
※Kahit hindi pa nakalipas ng 100 araw, maaaring makapagpakasal muli depende sa situwasyon.
Mangyaring tiyakin na lamang sa pampublikong tanggapan ng lungsod na pinaninirahan.
5. Kailangang hindi kaugnay ng angkan o magpinsan hanggang third degree.

■Diborsyo
Ang mga dayuhan na naninirahan sa Japan na mag-didiborsyo ay magsusumite ng abiso ng diborsyo o rikon todoke.
Ang abiso ng diborsiyo o rikon todoke ay isang papel na isusumite sa tanggapan ng
munisipyo sa distritong pinaninirahan, sa panahon ng diborsiyo.
Kailangan rin ipaalam ang diborsiyo sa sariling bansa.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ