配信日
2019年05月30日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-7]【Mag-ingat sa Paggamit Ng Bisikleta】
Ang bisikleta ay isang uri ng sasakyan tulad ng kotse. Mag-ingat sa pagmamaneho nito upang maiwasan ang aksidente.

Mga kailangang pag-ingatan sa pagpapatakbo ng bisikleta:
1. Dumaan sa kalsada (may mga bangketa o pedestrian lane din na maaring daanan).
2. Sa kaliwang bahagi ng kalsada dapat dumaan.
3. Sa mga bangketa, ang prayoridad ay mga taong naglalakad.
4. Sundin ang mga panuntunan para sa kaligtasan (safety rules).
・Huwag magmaneho ng bisikleta nang naka-inom ng alak.
・Huwag mag-angkas.
・Huwag magmaneho ng bisikleta nang magkakatabi.
・Buksan ang ilaw ng bisikleta sa gabi.
・Sundin ang panununtunan ng traffic signal.
・Huminto sa crossing.
・Tingnan mabuti ang kapaligiran upang siguraduhin ang kaligtasan.
5.Kailangan mag-helmet ang mga bata.

■Safety Rules for Bicycle: Sendai City
https://www.city.sendai.jp/jitensha/foreign.html
(Wikang Hapon, Ingles, Intsik, Vietnamese, Nepali)


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ