配信日
2019年09月20日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-19]Iksemsyon sa Kokumin Nenkin Hokenryou/National Pension Plan para sa mga Buntis na Kababaihan
Ang mga buntis ay may iksemsyon sa pagbabayad ng Kokumin Nenkin Hokenryou o Pambansang Pensyon.
Ang panahon ng iksemsyon ay may kabuuang 4 na buwan, mula isang buwan bago nakatakdang magsilang ng sanggol.
Maaring mag-apply para sa iksemsyon kahit tapos na manganak. Mangyaring sundin ang proseso ng pag-aapply para sa iksemsyon.

●Nararapat: Mga residente sa Japan mula 20-60 taong gulang na nagbabayad ng Kokumin Nenkin Hokenryou o Pambansang Pensyon
(tulad ng mga taong may sariling negosyo, mga magsasaka at kanilang pamilya, estudyante, part-time na manggagawa, mga walang trabaho atbp).
Mga kababaihan na nakatakdang manganganak o nanganak na mula Pebrero 1, 2019.

●Lugar ng pag-aapply: sa munisipyo o city hall ng pinaninirahang lungsod

●Mga kailangang dalhin sa proseso: Mother and Child Handbook (Boshi Techo), My Number Card

Para sa inpormasyon tungkol sa Sistema ng Pambansang Pensyon ng Japan, mangyaring tingnan ang sumusunod:
(Council of Local Authorities for International Relations/CLAIR)
http://www.clair.or.jp/tagengorev/tl/g/index.html
(Simpleng wikang Hapon, Ingles, Intsik, Koreyano, Espanyol, Portuges, Tagalog, Vietnamese, Ruso, Indonesian, Thai, Burmese)


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ