配信日
2019年09月26日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-20]【Impormasyon tungkol sa Pagpasok sa Nursery School at Kindergarten】
●Ang mga magulang na nais ipasok sa nursery school o kindergarten ang kanilang anak
mula Abril ng susunod na taon ay kailangang mag-apply sa munisipyo. Ang panahon ng pag-aapply ay mula Oktubre hanggang Nobyembre sa karamihan ng mga munisipyo. Gayunpaman, naiiba ang panahon ng aplikasyon sa bawat lungsod, mangyaring magtanong sa munisipyo ng lungsod na pinaninirahan sa lalong madaling panahon.

Mangyaring basahin rin ang detalye sa sumusunod na website. CLAIR
http://www.clair.or.jp/tagengorev/tl/h/index.html

●Mula Oktubre sa taon na ito, wala nang bayad ang pagpasok ng mga bata mula 3 hanggang 5 taong gulang sa hoikuen (nursery school), youchien (kindergarten) at nintei kodomo-en (sertipikadong children's daycare).
May kailangang sundin na proseso ng aplikasyon para dito. Mangyaring itanong ang proseso ng aplikasyon sa munisipyo ng lungsod na pinaninirahan o sa nursery school na kasalukuyang pinapasukan ng anak.

Basahin din ang sumusunod. (Cabinet Office)
https://www.youhomushouka.go.jp/about/en/
(Wikang Hapon, Ingles, Intsik, Koreyano, Espanyol, Portuges)

Para sa mga katanungan, tumawag sa "Multilingual Navi Kanagawa". Tutulungan namin kayo.
http://www.kifjp.org/kmlc


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ