配信日
2019年10月04日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-21]【Pagtaas ng Buwis sa Pagkonsumo "Shouhizei" at halaga ng bayad sa Koreyo/Selyo】
●Mula Oktubre, ang "Shouhizei" o buwis sa pagkonsumo na 8% ay itinaas sa 10%.
Ang buwis sa pagkonsumo ng mga pagkain at inumin ay mananatiling 8%.
Gayunpaman, mangyaring tandaan na ang buwis sa pagkonsumo ng alak at pagkain sa labas ay itinaas sa 10%.

●Ang halaga ng bayad sa koreo ay itinaas din mula Oktubre, kasabay ng pagtaas ng buwis sa pagkonsumo.
Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa.

Postcard: \62 → \63
Sulat:
Hindi hihigit sa 25grams/ \82 → \84
Hindi hihigit sa 50grams/ \92 → \94
Letter Pack light: \360 → \370
Letter Pack plus: \510 → \520

Ang mga postcard at mga selyo na nabili na ay maaari pa rin gamitin ngunit kailangang dagdagan ng selyo para sa kulang na halaga sa bagong presyo.
Ang mga selyo o poscard na nasa inyo na ay maaaring palitan sa bagong labas na selyo o postcard, subalit nagkakahalaga ng \5 ang pagpapalit ng bawat isa.
Mangyaring magtanong sa Post Office o "Yubin-kyoku".
Hindi magbabago ang halaga ng pang-internasyonal na koreyo.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ