配信日
2019年10月21日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-26]【Interesado ba kayong magbukas ng inyong sariling tindahan? ~"Sogyo School" (Kurso sa Pagnenegosyo)~】
★Nais naming ipahayag ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naapektuhan ng Bagyong No.19.
Kung may anumang mga problema, mangyaring tumawag lamang dito sa "Gabay sa Iba't-ibang wika sa Kanagawa"
045-316-2770 http://www.kifjp.org/kmlc

Ang kurso sa pagnenegosyo ay gaganapin para sa mga taong interesado sa pagbubukas ng kanilang sariling restaurant o tindahan at para na rin sa mga nakapagsimula na nang kanilang sariling negosyo kamakailan. Maaari kayong pumasok sa kurso nang walang bayad.
Sa kursong ito, malalaman mo kung anong mga paghahanda at kwalipikasyon ang kinakailangan upang makapagsimula ng negosyo sa Japan at kung paano magparehistro ng iyong negosyo pati na rin ang pagplaplano sa marketing at negosyo.

Kahit na hindi mo maintindihan ang wikang Hapon ay maaari kang sumali sa kursong ito. Kung kailangan nyo ng isang interpreter o mga materyales sa pagsasalin ng wika, ipagbigay alam sa amin kapag mag-aaplay para sa kurso.

Petsa ng Kurso: Martes ng Oktubre 29. hanggang Martes ng Nobyembre 26. Tuwing Martes.
18:00 hanggang 19:30 (kabuuan ng 5 session)
Lugar: Conference Room ng Ayase City Hall
Para sa pag-aplay ng kurso, tumawag sa numerong 0467-78-0606 (Ayase Chamber of Commerce and Industry)


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ