配信日
2019年12月12日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-29]【Scholarship para sa mga Mag-aaral sa Unibersidad at Paaralang Bokasyonal】
May mga scholarship para sa estudyanteng may lahing dayuhan na nag-aaral sa unibersidad o sa paaralang bokasyonal.
Suporta ito para sa bahagi ng gastusin para sa pamumuhay habang nag-aaral. Scholarship na ito ay hindi kailangang isauli.

Mga kwalipikasyon: mga estudyanteng tumutugma sa 3 kategorya:

1. Estudyanteng naninirahan sa Japan na may dayuhang nasyonalidad o dating dayuhan na naging naturalisadong mamamayan ng Japan.
Mga refugee at kanilang anak, mga permanenteng residente na Nikkeijin at mga anak ng mga nagbalik na mamamayan mula sa Tsina.
Gayunpaman, hindi saklaw ang mga taong "student visa" ang estado.
2. Estudyanteng mahihirapan magbayad ng matrikula.
3. Estudyanteng kayang lumahok nang tuloy-tuloy sa seminar tungkol sa pagtatrabaho.
※Mga limang beses ito gaganapin sa loob ng isang taon. Hindi pa lumalabas ang tiyak na iskedyul.

Paaralan: mga estudyante sa mga paaralang bokasyonal o sa unibersidad sa Japan.
Maaring mag-apply din ang mga taong mag-aaral mula Abril, 2020.
Halagang matatanggap: \20,000 kada-buwan (kabuuang halaga =\240,000)
Panahon na makatatanggap: mula Abril, 2020 hanggang Marso, 2021
Deadline: Jan. 10, 2020 (Fri) ※Ang mga nakapasa sa screening ng mga dokumento ay magkakaroon ng interview o pakikipanayam sa tanggapan ng "SAPOUTO 21" (SUPPORT 21) (Shinagawa-ku, Tokyo).
Paraan ng Pag-aapply: Mangyaring punan ang application form sa wikang Hapon at ipadala sa pamamagitan ng koreyo.
Detalye: Mangyaring i-download ang application form mula sa sumusunod na website.
Ang destinasyon ng pagsusumite ay nakasulat din.
Mayroon pang mga nararapat isumite, kaya't mangyaring basahing mabuti ang nakasulat sa website.
http://support21.or.jp/news/2019/10/22890/

Sanggunian: SAPOUTO 21, "Support 21 Social Welfare Foundation" 03-5449-1331 info@support21.or.jp


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ