配信日
2019年12月18日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-30]【Alam ba ninyo ang Lump sum Withdrawal para sa Pagtiwalag?】
Ang DATTAI ICIHIJIKIN o Lump sum Withdrawal ay lump sum na bayad na maaring matatanggap ng mga taong hindi Hapon ang nasyonalidad na nakapagbayad ng pensiyon ng higit pa sa 6 na buwan at aalis na o maaring nakaalis na sa Japan.
Upang makatatanggap ng "lump sum para sa pagtiwalag", kailangang isumite ang aplikasyon bago sumapit ang 2 taon mula nang mawalan ng address sa Japan.
Gayunpaman, may mga kondisyon na kailangan sa paghiling ng lump-sum.
Sa website, may mga detalye na mababasa sa iba't-ibang wika ang mga bagay na kailangang bigyang pansin at mayroon din porma ng Aplikasyon para sa Lump sum Withdrawal Payment.
Mangyaring basahin ito nang mabuti.
Kapag may katanungan, mangyaring tumawag sa telepono.
May mga suporta at maaring kumonsulta gamit ang iba't-ibang wika.

●Pagpapaliwanag ng Lump-sum Withdrawal Payment at porma ng Aplikasyon
https://www.nenkin.go.jp/service/jukyu/todoke/kyotsu/20150406.html
(Wikang Ingles, Intsik, Tagalog, Portuges, Espanyol, Nepalese, Vietnamese, Indonesian, Koreyano, Thai, Burmese, Cambodian, Ruso, Mongolian)

●Konsultasyon sa telepono gamit ang iba't-ibang wika tungkol sa pensyon.
0570-05-1165
※Pagtawag, maririnig muna ang automated message sa IVR (Interactive Voice Recording).
Para maka-usap sa taga-salin ng wika, mangyaring pindutin ang (1) at pagkatapos, pindutin naman ang (2).
Paunawa lamang at maaring matagal bago makaka-usap sa taga-salin.
Ang bayad sa pagtawag dito ay ma-chacharge sa taga-tawag.

Suportadong wika: Ingles, Intsik, Portuges, Espanyol, Tagalog, Nepalese, Vietnamese, Indonesian, Thai, Koreyano
Oras ng Pagtanggap ng Tawag: 9:00-17:00(weekdays) ※Sarado sa mga holiday at sa Dec.28-Jan.5
https://www.nenkin.go.jp/international/index.files/01.pdf


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ