配信日
2019年12月23日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-31]【Malapit na Matatapos ang 2019】
Kumusta ang taong 2019 para sa inyo?
Nais naming ipaalala sa inyo ang mga nararapat na pag-ingatan sa katapusan ng taon at sa pista opisyal ng Bagong Taon.

●Pagpapasuri sa Ospital.
Ang mga ospital ay sarado sa katapusan ng taon at mga pista opisyal ng Bagong Taon.
Mangyaring tiyakin kung meron pang sapat na mga gamot hanggang sa muling pagpunta sa ospital at kung saag ospital ang maaring puntahan kung sakaling biglang magkasakit o sumama ang pakiramdam.

●Mag-ingat sa mga nakahahawang sakit.
Sa panahon ng taglamig, madaling magkakaroon ng mga nakahahawang sakit tulad ng trangkaso, ubo`t sipon, pulmonya, gastroenteritis atbp.
Gumamit ng surgical mask kapag nasa labas at ugaliing laging magmumog at maghugas ng kamay.
Siguraduhin din na matulog at kumain nang sapat.

●Mag-ingat sa mga aksidente sa sasakyan
Dumarami ang mga nagmamaneho ng sasakyan sa mga araw ng katapusan ng taon at pista opisyal ng Bagong Taon.
Mangyaring mag-ingat para maiwasang magka-aksidente sa sasakyan, magmamaneho man o hindi.

●Iwasan sumobra sa pagkain at pag-iinom.
Sa katapusan ng taon at sa bagong taon, madalas na magkakaroon ng kainan o inuman katulad ng year-end party o BONEN-KAI at New Year Party o SHINNEN-KAI.
Mangyaring iwasan ang paglalabis sa kain at lalo nang ingatan na huwag sumobra sa pag-iinom ng alak.

●Tiyaking nakasusi o nakakandado ang bahay kapag malalayo nang matagal.
Malalaman na walang tao ang bahay kapag dumarami ang laman ng mail-box. Mangyaring mag-ingat sa mga magnanakaw.


☆★INFO KANAGAWA QUIZ★☆
Ang Japanese animal zodiac sa susunod na taon ng 2020 ay "Daga".
Sa palagay ninyo, alin sa mga sumusunod ang sinasabing katangian ng mga taong ipinanganak sa taon ng mga daga?

① seryoso at masipag magtrabaho.
② madaling magkagusto sa isang tao.
③ magaling magluto.

Ang sagot ay malalaman sa January edition ng INFO KANAGAWA!

Ang mga napapabilang sa taon ng daga ay ang mga ipinanganak sa mga sumusunod na taon:
1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008, 2020

Yoi Otoshi wo! "Manigong Bagong Taon sa inyong lahat"!


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ