配信日
2020年01月07日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-32]【Manigong Bagong Taon!】
Nagsimula na ang taong 2020. Nawa ay maging magandang taon ito para sa lahat!
Ang INFO KANAGAWA ay may paunawa para sa lahat.

●Nagsimula na ang paghahatid ng INFO KANAGAWA sa wikang Vietnamese.
Mula noong Disyembre ng nakaraang taon, sinimulan ng INFO KANAGAWA ang paghahatid ng impormasyon sa wikang Vietnamese.
Para sa mga nais tumanggap ng INFO KANAGAWA sa wikang Vietnamese, mangyaring magpadala ng e-mail sa infov@kifp.org
Hindi kailangan punan ng anupaman ang e-mail na ito.
Kung may kakilala kayong nais makabasa ng INFO KANAGAWA sa wikang Vietnamese, mangyaring ipaalam sa kanila tungkol dito.
Ang INFO KANAGAWA sa wikang Vietnamese na nilabas noong Disyembre ng nakaraang taon ay mababasa sa sumusunod na website.
https://plus.combz.jp/backnumber/index?oid=xquu6977&gid=14

●Mayroong video gamit ang simpleng wikang Hapon
Naka-upload sa Facebook ang video na ipinapaliwanag ang nilalaman ng INFO KANAGAWA na gamit ang simpleng wikang Hapon.
Cute na puppet ang nagsasalita doon sa video. Panoorin ninyo.
https://www.facebook.com/kanagawaIF

☆★Sagot sa INFO KANAGAWA quiz★☆
Ipapahayag dito ang sagot sa nakaraang quiz na inilabas ng INFO KANAGAWA noong Disyembre.
Ang taong ipinanganak sa taon ng daga ay sinasabing ①seryoso at masipag magtrabaho!

Maraming salamat po at manigong bagong taon sa inyong lahat.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ