配信日
2020年02月18日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-36]【Nais ba ninyong maging miyembro ng Foreign Residents Kanagawa Conference?】
Sa "GAIKOKUSEKI KENMIN KANAGAWA KAIGI",o "Pagpupulong sa Kanagawa ng mga Dayuhang Residente" ay nagtitipon at nagpupulong ang mga dayuhan na nakatira sa prepektura ng Kanagawa.
Ito ay isang pulong sa pagtalakay at pagpasyahan ang mga opinyon na ipaaabot sa pamahalaan ng prepektura ng Kanagawa.
Ang mga opinyon o ideya na napag-usapan sa pulong ay titipunin sa pagtatapos ng pulong at ipagbibigay-alam sa gobernador ng prepektura.
Ang pulong ay isasagawa sa pamamagitan ng wikang Hapon. Kailangang maging miyembro upang makadalo sa pagpupulong.

Ang petsa ng pangangalap ng miyembro ay mula Enero 27, 2020 (Lunes) hanggang Marso 9, 2020 (Lunes).
Mangyaring tingnan ang sumusunod na website para sa mga kondisyon at pamamaraan upang maging miyembro.
http://www.pref.kanagawa.jp/docs/k2w/gaikokusekikenminkaigi.html


☆★Sagot sa INFO KANAGAWA QUIZ★☆
Pagpapahayag ng sagot sa nakaraang INFO KANAGAWA QUIZ.
Ano ang nararapat gawin sa mga beans tuwing Pebrero 3, SETSUBUN upang mapanatiling maayos ang kalusugan?
Ang sagot ay ②, kumain ng beans na kasing dami ng sariling edad!



※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ