配信日
2020年02月25日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-37]【Final Income Tax Return, "KAKUTEI SHINKOKU"】
Ang "KAKUTEI SHINKOKU" o "Final Income Tax Return" ay pamamaraang isinasagawa para sa pagbibigay-alam ng labis o kakulangan sa buwis na nakaltas sa suweldo o ibang nakatakdang buwis na binayaran sa buong taon mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2019 (ang unang taon ng Reiwa).
Walang matatanggap na abiso mula sa Tanggapan ng Buwis kaya kailangang isagawa ito ng mga tao na ayon sa angkop sa proseso.

●Hindi na kailangan magpasa ng Final Income Tax Return ang mga sumusunod:
1. Mga empleyado ng kumpanya na naayos na ang babayarang buwis sa katapusan ng taon at hindi na kailangan ang pagbabawas ng buwis.
2. Mga taong walang kita.
3. Mga taong mas malaki ang kabuuan ng nabawas na buwis kaysa sa kita.
4. Mga taong nakatanggap ng pensyon na hindi hihigit sa \4,000,000 at mayroong kitang bukod pa sa pension na hindi hihigit sa \200,000.

●Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng sumusweldong empleyado na kailangang magpasa ng Final Income Tax Return:
1. Kapag ang suweldo ay humigit sa \20,000,000.
2. Bukod sa suweldo,mayroong iba pang kita tulad ng real estate na mahigit sa \200,000.
3. Tumatanggap ng suweldo mula sa mahigit sa dalawang kumpanya.
4. Ang kabuuan ng medikal na gastos kasama ang pamasahe sa pagpunta sa ospital dahil sa panganganak, pa-admit, o pagpapasuri ng karamdaman ay lumampas sa \100,000.
5. Unang taon ng pagbabawas sa buwis dahil sa pagbabayad ng housing loan.
6. Hindi naisagawa ang pag-aayos ng buwis sa katapusan ng taon.

●Ang huling araw ng pagpasa ng Final Income Tax Return:
Marso 16, 2020(Lunes)

●Isumite sa:
*Lokal na Tanggapan ng Buwis.
*Maari rin ito isagawa online.
National Tax Agency (Wikang Hapon) http://www.nta.go.jp/taxes/shiraberu/shinkoku/tokushu/index.htm

●Mangyaring tingnan rin ang mga sumusunod na website.
"Tungkol sa buwis" Council of Local Authorities for International Relations/CLAIR
(Simpleng Wikang Hapon) http://www.clair.or.jp/tagengorev/eja/l/02-1-2.pdf 
(Ingles) http://www.clair.or.jp/tagengorev/en/l/02_1_2.pdf 
(Tagalog) http://www.clair.or.jp/tagengorev/tl/l/02_1_2.pdf 


☆★INFO KANAGAWA QUIZ☆★
Ang Pebrero 14 ay Araw ng Puso o Valentine's Day.
Sa Japan, maraming mga kababaihan na nagbibigay ng tsokolate sa mga lalaki na gusto nila, at may mga tao rin na nagbibigay ng sweets o matamis na pagkain sa mga kaibigan.
Pagkaraan ng isang buwan, ang Marso 14 ay tinatawag na "White Day".
Alin sa mga sumusunod ang karaniwang ginagawa sa "White Day"?

① Maingat na pagsisipilyo ng ngipin.
② Magsuot ng puting damit at magtapat ng pag-ibig.
③ Magbigay ng regalo o anumang bagay sa taong nagbigay ng tsokolate o sweets sa kanya.

Abangan ang sagot sa INFO KANAGAWA ng susunod na buwan!

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ