配信日
2012年04月16日
配信先グループ
Tagalog
[IKT12-02]Pagbabago ng Sistema sa Pagpasok sa Pampublikong Mataas na Paaralan o Public High School
Malaki ang pagbabago sa pamamaraan o sistema ng pagsusuri upang makapasok sa Pampublikong Mataas
na Paaralan o Public Senior high school para sa mga estudyanteng nasa 3rd year junior high school
simula ngayong taong ito.
Batay sa gabay [Aklat ng Gabay sa Pagpasok sa Pampublikong Mataas na Paaralan] na nilikha ng
Kanagawa-ken Board of Education o Ken Kyoiku Inkai, gumawa kami ng gabay na matutunghayan
sa 11 na wika (Hapones, Ingles, Intsek, Portuges, Espanyol, Koreyano (South & North), Tagalog,
Thai, Vietnamese, Cambodian, at Laotian).

Maaaring i- download ang kopya ng gabay mula sa website ng KIF na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/educators

Gaganapin ang [Guidance sa Pagpasok sa Mataas na Paaralan para sa mga tao o kabataang hindi
ginagamit ang wikang Hapon bilang sariling wika] sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre.
Hinihikayat naming dumalo ang mga tao o kabataang nais na pumasok sa Mataas na Paaralan o Senior High School.
Ipagbibigay-alam ang petsa at lugar ng kaganapan sa INFO KANAGAWA.

ページの先頭へ