配信日
2020年03月13日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-38]【Tulong-Pantustos para sa mga estudyanteng tumigil mag-aral subalit bumalik na sa pag-aaral sa KOUKOU o Senior High School.】
Mayroong tulong pananalapi na binibigay sa mga tumigil mag-aral sa KOUKOU o senior high school subalit bumalik na sa pag-aaral.
Ito ay tinatawag na Tulong-Pantustos sa Pagbalik sa Pag-aaral o "MANABINAOSHI SHIEN-KIN" katulad din ng sistema ng Tulong-Pantustos sa Pag-aaral sa High School (SHUGAKU SHIEN-KIN).
Tungkol sa "Tulong-Pantustos para sa Pag-aaral sa High School" o SHUGAKU SHIEN-KIN, mangyaring tingnan ang sumusunod na website.
http://www.pref.kanagawa.jp/docs/en7/cnt/f533732/index.html

●Ang "Tulong-Pantustos sa Pag-aaral (SHUGAKU SHIEN-KIN)" ay matatanggap ng mga estudyante sa kahabaan ng 3 taon na habang nag-aaral sa high school (4 na taon kapag part-time o TEIJI-SEI at correspondence high school o TSUSHIN-SEI).
Gayunpaman, kapag tumigil at bumalik sa pag-aaral, maaaring uulitin ang unang baytang, at mangyayaring lalampas sa tatlong taon ang kabuuan ng panahon na nasa highschool, kasama ang mga taon ng pag-aaral sa highschool na inalisan at sa paaralan na pinasukan muli, kaya't hindi ma-susuportahan sa sistema ng SHUGAKU SHIEN-KIN ang taon na lampas sa tatlong taon.
(4 na taon para sa Part-time o TEIJI-SEI at Correspondence high school o TSUSHIN-SEI).

●Kapag nag-apply sa "MANABINAOSHI SHIENKIN", o Tulong-Pantustos para sa Pagbalik sa Pag-aaral sa High School, makatatanggap pa rin ng tulong-pantustos ng dalawa pang taon bago makapagtapos ng pag-aaral, kahit lalampas sa tatlong taon ang kabuuan ng bilang ng taon ng pag-aaral sa senior high school.

Ang tulong na ito ay binibigay sa mga estudyanteng tumutugma sa lahat ng kondisyon na nakatala sa sumusunod:

1. Mga estudyanteng tumigil sa senior high school at bumalik na sa pag-aaral.
2. Mga estudyanteng hindi nakapagtapos ng senior high school.
3. Mga estudyanteng lalampas sa tatlong taon ang kabuuan ng bilang ng taon ng pag-aaral, kasama ang taon ng pag-aaral sa high school na inalisan at ng high school na pinasukan muli (4 na taon sa Part-time high school o TEIJI-SEI at Correspondence high school o TSUSHIN-SEI).
4. Mga estudyanteng pumasok sa high school mula Abril, 2014.
5. Mga estudyanteng ang kabuuan ng kita ng mga magulang ay hindi hihigit sa 9.1 milyong yen.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring magtanong sa paaralan kung saan muling pinasukan.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ