配信日
2020年03月19日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-39]【Para sa mga dayuhang nagtatrabaho sa isang kumpanya】
Kahit na lumalala ang lagay ng kumpanya dahil sa novel coronavirus, hindi pinapayagang tratuhin nang mas mababa kaysa sa mga Hapon ang mga dayuhang manggagawa dahil lamang sa pagiging dayuhan nito.

1. Tulad ng sa mga manggagawang Hapon, ang leave allowance na ibinibigay sa mga manggagawa sa oras na sila ay pinag-leave dahil sa kalagayan kumpanya ay dapat ding ibigay sa mga dayuhang manggagawa.
2. Tulad ng sa mga manggagawang Hapon, kung ikaw ay kukuha ng leave sa kumpanya dahil sa pagsuspinde ng klase ng paaralan ng iyong anak, maari kang gumamit ng paid vacation leave.
3. Tulad ng sa mga manggagawang Hapon, ang mga subsidiyang binabayaran ng estado sa mga kumpanya upang maprotektahan ang trabaho ng mga manggagawa ay magagamit din ng mga dayuhang manggagawa.
4. Ang pasisisante ay hindi basta bastang magagawa ng isang kumpanya. Kung magsisisante ang isang kumpanya ng dayuhang manggagawa, kailangang kapareho ng sa mga Hapon na manggagawa ang mga patakarang gagamitin.

Kung kailangan mo ng tulong, komunsulta sa iyong lokal na Labour Bureau, Labour Standards Inspection Office o Hello Work.

https://www.check-roudou.mhlw.go.jp/soudan/foreigner_tag.html

https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/koyou_roudou/koyou/jigyounushi/page11_00009.html


☆★Kasagutan sa INFO KANAGAWA Quiz★☆
Pahayag ng kasagutan sa nakaraang INFO KANAGAWA Quiz.
Ang Marso 14 ay tinatawag na White Day.
Ang pangkarawniwang ginagawa sa araw ng White Day ay [③ Magbigay ng regalo o anumang bagay sa taong nagbigay ng tsokolate o sweets sa kanya.]


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ