配信日
2020年04月10日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-4]【Scholarship para sa Pamilya ng Single Parent "HITORIOYA KATEI SHIEN SHOUGAGUKIN SEIDO"】
Mayroong scholarship na maaring pag-aplayan ng mga bata na nagmumula sa pamilya na tinataguyod ng nag-iisang magulang o single parent.
Pipiliin ang 400 katao mula sa mga nag-apply dito. May mga kondisyon sa pag-aapply.

Nararapat: Mag-aaral na mula 3rd year junior high school hanggang 3rd year senior high school.
At mga estudyante sa technical colleges.
Halaga: \30,000 kada buwan. Hindi kailangan isauli ito. Maaring gamitin ito kahit may iba pang scholarship.
Panahon ng Suporta: Isang taon (Abril 1, 2020~Marso 31, 2021)

Mga kondisyon sa pag-aapply:
*Mag-aaral na nagmumula sa sambahayan na tinataguyod ng nag-iisang magulang (single parent)
na nahihirapan sa pinansyal para sa pagpapatuloy ng pag-aaral.
*Mag-aaral na mapitagan, nagsusumikap na matupad ang pangarap at may positibong
saloobin para sa kontribusyon sa lipunan.

※Ang mga sumusunod na katayuan ay HINDI NARARAPAT sa aplikasyon:
*Kapag mahigit sa \1,000,000 ang average na kita ng miyembro ng sambahayan.
*Kapag ang bilang ng pagpasok sa paaralan sa schoolyear ng 2019 ay mas mababa sa 80%
(maliban sa may makatwirang dahilan o kung mayroong medikal na sertipiko ng pagkakasakit o kapinsalaan).
*Kapag ikaw ay mas bata kung mag-aaply ang magkakapatid.
(Isang aplikasyon lang dapat mula sa isang sambahayan).

Kailangang punan ang application form. Para sa karagdagang impormasyon,
mangyaring tingnan ang sumusunod na website.
http://zenbo.org/lp01/index.html (Wikang Hapon)

Huling araw ng Aplikasyon: Abril 28, 2020


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ