配信日
2020年04月20日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-7]【Pabatid tungkol sa sistema ng suporta ng bansa para sa mga taong nagkaroon ng problema sa pananalapi dahil sa epekto ng New Corona Virus】
Mangyaring tandaan na maaaring magkaroon ng pagbabago ang mga impormasyon.
Padadalhan namin kayo ng partikular na impormasyon tungkol sa benepisyo na kasalukuyang isinasang-alang ng pamahalaan sa sandaling ipinahayag na ang sistema.

●Para sa mga tao na huminto sa trabaho:
Ang mga tao na huminto sa trabaho ay makakatanggap ng [SHITSUGYOU KYUUFU “Benepisyo sa Pagkawala ng Trabaho”] habang naghahanap ng panibagong trabaho.
◇Matatanggap na halaga:
50%-80% ng sweldo na natatanggap hanggang sa kasalukuyan. Ang halaga ng maaring matanggap ay depende sa panahon na nagtrabaho at sweldo na natanggap.
◇Takdang Panahon:
Ang takdang panahon na maaaring matanggap ang benepisyo ay depende sa bilang ng taon na nagtrabaho sa Japan.
◇Nararapat:
Part-time na manggagawa, arubaito, pansamantalang manggagawa o manggagawang haken
◇Lugar ng Pagsagawa ng Proseso:
[HELLO WORK] https://jsite.mhlw.go.jp/kanagawa-hellowork/ (Kanagawa HELLO WORK)
◇Kondisyon:
Kasapi ng seguro sa trabaho (koyou hoken) sa panahon ng pagtatraho. Kapag pinahinto ng kumpanya sa pagtrabaho, dapat nakapagtrabaho sa Japan ng hindi bababa sa 6 na buwan at kapag kusang huminto sa pagtrabaho, dapat nakapagtrabaho ng isang taon sa kumpanya.

●Para sa mga tao na hindi kaya ang magbayad ng upa ng tirahan:
Ang mga taong hindi makabayad ng upa o renta ng tirahan dahil sa pagbaba ng sweldo ay maaring makatanggap ng [JUUKYO KAKUHO KYUUFUKIN “Benepisyo sa Pagpapanatili ng Tirahan”] para sa upa sa loob ng 3 buwan (hanggang 9 na buwan ang pinakamatagal).
Magsisimula ang tanggapan ng magpaparehistro sa Abril 20, 2020.
Mangyaring kumonsulta sa [JIRITSU SODAN SHIEN KIKAN “Independent Consultation Support Organization”] (Wikang Hapon)
http://www.pref.kanagawa.jp/docs/r6w/cnt/f533087/index.html

●Para sa mga tao na hindi makabayad ng bayarin sa kuryente, gas, tubig at telepono:
Mayroong mga kumpanya na nagpapahintulot na ipagpaliban ang pagbabayad para sa mga tao na malaki ang ibinaba ng kita, mga tao na nahihirapang lumabas ng bahay at isagawa ang proseso ng pagbayad dahil sa paglaganap ng New Corona Virus (COVID-19).
Mayroong pagkakaiba ang sistema ayon sa kumpanya na naka-kontrata at munisipalidad kung saan naninirahan.
Mangyaring tiyakin ang sistema sa pamamagitan ng pagbisita sa website na nakasulat sa invoice o talaan ng bayarin.


※Mangyari lamang na ipaalam sa [infokanagawa@kifjp.org] kung hindi gumagana ang mga link ng mga website na nakatala.
※Para sa mga magpapadala ng e-mail:
Maaaring mangangailangan ng ilang araw bago masagot sa inyong e-mail. Pag wala pang sagot na natanggap pagkalipas ng 2 hanggang 3 araw, mangyari lamang na tumawag sa numerong naka-saad sa ibaba.

Tagengo Navi:045-316-2770 Email: kmlc@kifjp.org
Nagbibigay kami ng impormasyon na kailangan sa araw-araw na pamumuhay sa Japan, at may libreng konsultasyon tungkol sa mga suliranin na katulad ng kaibhan sa kinagawian sa Japan sa inyong pinanggalingan.

http://www.kifjp.org/kmlc/tag

○Oras ng konsultasyon sa tanggapan at sa telepono: 9:00-12:00・13:00-17:15
※Sarado kapag Sabado, Linggo, Public Holidays at Bagong Taon

**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail: infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ