配信日
2020年05月08日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-10]【Mensahe mula kay Gobernador Kuroiwa tungkol sa Pagpatuloy ng Pambansang Deklarasyon ng Emerhensiya】
※Sa halili ng Gobernador, Ihahatid ng INFO KANAGAWA ang Mensahe para sa mamamayan mula sa Gobernador ng Kanagawa.

Una sa lahat, nais kong ipahayag ang taimtim na pasasalamat sa lahat ng mamamayan at mga nagmamay-ari ng negosyo sa prepektura para sa pag-unawa at pakikipag-tulungan sa hiling ng pamahalaan na iwasan ang paglabas ng tahanan at pagtigil ng pagpatakbo ng negosyo mula ng ideneklara ang pambansang emerhensiya o state of emergency noong ika-7 ng Abril sa iba't-ibang lugar kabilang na ang prepektura ng Kanagawa.
Bagaman ang bilang ng pasyente na nagpositibo sa novel corona virus sa Kanagawa ay bumaba kumpara noong mga nagdaang araw, ang kabuuang bilang hanggang kahapon ay umabot sa 1,109 at ang sitwasyon ay nananatiling walang katiyakan.
Sa ilalim ng nasabing kalagayan, noong ika-4 ng Mayo,nagpasya ang pamahalaan na ipagpatuloy ang pambansang deklarasyon ng emerhensiya o state of emergency sa lahat ng prepektura hanggang ika-31 ng Mayo at ang Kanagawa ay mananatiling isa sa mga prepektura na nasasailalim sa "special alert prefectures".
Dahil dito, ang pamahalaan ng prepektura ay muling humihiling sa mga mamamayan at mga nagpapatakbo ng negosyo na ipag-patuloy ang pag-iwas sa paglabas ng tahanan at pagsara ng mga pasilidad na maaaring maging dahilan ng pagkalat ng impeksyon upang mapigilan ang higit pa na paglaganap ng novel corona virus.
Napakahirap na muling ipahayag ang hiling namin sa inyo, ngunit ito ay para mapigilan ang paglaganap ng impeksyon at mapangalagaan ang buhay ng mga mamamayan. Inaasahan namin ang inyong pag-unawa at pakikipagtulungan.
Ang pamahalaan ng prepektura ay nagsisikap na mapabuti ang sistema ng medikal na pangangalaga batay sa "Kanagawa Model" upang maiwasan ang pagguho ng kakayahan sa pangangalagang pang-medikal.
Pagsisikapan rin namin na mapabilis ang pagsagawa ng mga programa tulad ng pagdaragdag ng mga medikal na institusyon para sa pangunang pangangalaga kasama na rito ang mga pansamantalang medikal na pasilidad na magagamit, pagkakaloob ng lugar na matutuluyan para sa mga pasyente na hindi malubha ang kalagayan at hindi nakikitaan ng sintomas ng impeksyon at paggawa ng sistemang tinatawag na [Kanagawa Model Hybrid version] sa pakikipagtulungan sa iba't-ibang kapisanan ng rehiyon.
Bukod dito, patuloy naming gagawin ang aming makakaya upang suportahan ang mga mamamayan ng prepektura at mga negosyo na naapektuhan ng mga hakbang na ginawa sa pagdeklara ng pambansang emerhensiya.
Sa kasalukuyan,ang mapanganib na sitwasyon upang mapaglabanan ang novel corona virus ay nakikinitang magpapatuloy, ngunit kung puspusang isasagawa ang mga hakbang upang makaiwas sa paglaganap ng impeksyon at mabawasan ang kaso ng mga bagong nahahawaan na tao,ang mga gawain sa lipunan at ekonomiya ay maipagpapatuloy ng hindi magiging sanhi ng pagguho ng kakayahan
sa pangangalagang pang-medikal.
Muli ko po na hinihiling sa lahat ng mamamayan sa prepektura. Maliban sa mga gawain na kinakailangan para sa kalusugan at pamumuhay, tulad ng pagpunta sa ospital, pamimili ng pagkain, gamot at pang-araw-araw na kinakailangan, pagpunta sa trabaho, pag-eehersisyo at paglalakad sa labas malapit sa inyong tahanan, hangga't maaari iwasan ang paglabas ng inyong tahanan.
Magtulung-tulong tayong lahat na mamamayan ng prepektura at mga nagmamay-ari ng negosyo na gawin ang lahat sa abot ng ating makakaya upang malagpasan ang mahirap nating kalagayan.

Mayo 5, 2020
Gobernador ng Kanagawa
Yuji Kuroiwa



※Mangyari lamang na ipaalam sa [infokanagawa@kifjp.org] kung hindi gumagana ang mga link ng mga website na nakatala.
※Para sa mga magpapadala ng e-mail:
Maaaring mangangailangan ng ilang araw bago masagot sa inyong e-mail. Pag wala pang sagot na natanggap pagkalipas ng 2 hanggang 3 araw, mangyari lamang na tumawag sa numerong naka-saad sa ibaba.

Tagengo Navi:045-316-2770 Email: kmlc@kifjp.org
Nagbibigay kami ng impormasyon na kailangan sa araw-araw na pamumuhay sa Japan, at may libreng konsultasyon tungkol sa mga suliranin na katulad ng kaibhan sa kinagawian sa Japan sa inyong pinanggalingan.

http://www.kifjp.org/kmlc/tag

○Oras ng konsultasyon sa tanggapan at sa telepono: 9:00-12:00・13:00-17:15
※Sarado kapag Sabado, Linggo, Public Holidays at Bagong Taon

**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail: infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ