配信日
2020年06月12日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-12]【Ulat ng Kasalukuyang Katayuan o Status Update ng JIDOU TEATE(GENKYOU TODOKE)】
Ang mga nagpapalaki o nangangalaga ng anak na naninirahan sa Japan ay makakatanggap ng jidou teate/child allowance hanggang sa pagtatapos ng junior high school.
Para sa mga nakatatanggap na ng jidou teate/child allowance, ang Ulat ng Kasalukuyang Katayuan o GENKYOU TODOKE ay ipapadala sa inyong tirahan sa pamamagitan ng koreyo upang makumpirma ang kalagayan.
Isulat ang kinakailangang impormasyon at isumite ito sa munisipyo ng inyong pinaninirahan. Ang deadline ay sa buwan ng Hunyo.
Hindi matatanggap ang JIDOU TEATE kapag hindi naisumite ang GENKYOU TODOKE.
Kapag may mga bagay na hindi maunawaan, mangyaring magtanong sa munisipyo ng pinaninirahan.

※Tingnan rin ang mga sumusunod:
Council of Local Authorities for International Relations/CLAIR
(Ingles) http://www.clair.or.jp/tagengorev/en/i/index.html
(Tagalog) http://www.clair.or.jp/tagengorev/tl/i/index.html


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ