配信日
2020年09月07日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-19]【Suportang Pananalapi para sa mga Mag-aaral sa Senior High School】
Mayroong iskolarship para sa mga mag-aaral sa senior high school sa Kanagawa na tinatawag na "Kanagawa-ken Kokosei-tou Shogaku Kyufu-kin".
Ngunit ang matrikula ay hindi kasama sa iskolarship na ito, ang suportang ibibigay ay para sa aklat-aralin, mga kagamitan na kailangan sa pag-aaral o pagpasok, mga pangangailangan sa extra-curricular activities, pagsali sa student council, PTA, at school excursion trip.
Hindi kailangan isauli ito.
Halagang matatanggap ng mag-aaral sa pampublikong mataas na paaralan: \32,300-\129,700 kada-taon
Halagang matatanggap ng mag-aaral sa pribadong mataas na paaralan: \38,000-\138,000 kada-taon

Mangyaring isumite ang application form sa paaralan na pinapasukan.
Kung ang pinapasukan na paaralan ay hindi sa loob ng prepektura ng Kanagawa, papirmahan sa nasabing paaralan ang likod ng application form, at mangyaring isumite ito sa tanggapan ng prepektura ng Kanagawa.
※ Para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan, isumite ang application form sa Finance Department ng Kanagawa Prefectural Board of Education at para sa mga mag-aaral sa pribadong paaralan, isumite ito sa Kanagawa Prefecture Private Schools, Promotion Division.
Ang huling araw o deadline ng aplikasyon ay sa Disyembre 15.
May mga kondisyon upang makatatanggap ng suportang pananalapi.
Halimbawa, kailangang nakatira sa prepektura ng Kanagawa ang mga magulang, at ang pamilya ay may iksemsiyon sa pagbabayad ng residential tax na binabase sa kita (shotoku-wari jumin-zei), at tumatanggap ng suportang pamumuhay (seikatsu hogo) atbp..
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang mga sumusunod na website.

●Pampublikong paaralan:
http://www.pref.kanagawa.jp/docs/en7/cnt/f531013/gaikokugo.html (Wikang Ingles, Intsik, Koreyano, Espanyol, Portuges, Thai, Tagalog, Nepalese, Vietnamese, Cambodian)

●Pribadong paaralan:
http://www.pref.kanagawa.jp/docs/v3e/jyosei/gakuhisien/syougakukyuuhukinn.html (Wikang Hapon lamang)

Gayundin, kung ang kita ng pamilya ay bumaba dulot ng Novel Coronavirus at iba pang dahilan, maaaring mag-apply para sa Suportang Pananalapi para sa Biglang Pagbabago ng Kita ng Sambahayan, "Kakei Kyuhen Setai Taisho Kyufu".
Mangyaring tingnan ang sumusunod na website.

●Pampublikong paaralan:
http://www.pref.kanagawa.jp/docs/en7/cnt/f531013/gaikokugo.html (Wikang Ingles, Intsik, Koreyano, Espanyol, Portuges, Thai, Tagalog, Nepalese, Vietnamese, Cambodian)
●Pampublikong paaralan:
http://www.pref.kanagawa.jp/docs/en7/cnt/f531013/kyuhen.html (Wikang Hapon)
●Pribadong paaralan:
https://www.pref.kanagawa.jp/docs/v3e/jyosei/gakuhisien/kakeikyuuhenn.html (Wikang Hapon)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ