配信日
2020年10月23日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-24]【Iksemsyon sa Pagbabayad ng Pambansang Segurong Pangkalusugan】
Maaaring mabigyan ng iksemsyon o diskwento sa pagbabayad ng premium o halagang binabayaran sa pambansang segurong pangkalusugan ang mga sambahayan na nabawasan ang kita dahil sa epekto ng COVID 19.
Mangyaring tiyakin kung ang iyong sambahayan ay nararapat sa diskwento o iksemsyon
sa pagbabayad ng premium at sundin ang tuntunin sa pag-aapply.

● Panahon ng Iksemsyon: Bayad sa seguro mula Pebrero, 2020 hanggang Marso, 2021

● Tungkol sa sambahayan na karapat-dapat sa iksemsyon o diskwento:
A. Ang miyembro ng sambahayan na may pinaka mataas na kita ay namatay dahil sa COVID 19 o nagkaroon ng malubhang pinsala o karamdaman.
B. Ang miyembro ng sambahayan na may pinaka mataas na kita ay nawalan ng negosyo o trabaho dahil sa epekto ng COVID 19.
C. Para sa sambahayan na ang miyembro na may pinaka mataas na kita ay tumutugma sa lahat na kalagayan sa sumusunod na ①②③:

① Ang kita ay inaasahang bababa ng 30% o higit pa, kumpara sa kita ng taong 2019
dahil sa epekto ng COVID 19.
② Ang kabuuan ng kita sa taong 2019 ay dapat hindi hihigit sa 10 milyong yen.
③ Maliban sa nasasaklaw ng ①, ang kabuuan ng kita sa taong 2019 ay hindi hihigit sa 4 milyong yen.

● Tungkol sa halaga ng iksemsyon:
Para sa "A": Ang buong halaga ng premium ng seguro na saklaw na panahon ay malilibre.
Para sa "B": Ang buong halaga ng premium ng seguro na saklaw na panahon ay malilibre.
Para sa "C": Ang halaga ng iksemsyon o diskwento sa premium ay ibabatay sa kabuuang halaga ng kita ng buong sambahayan sa taong 2019.
Mangyaring magtanong sa pampublikong tanggapan o munisipyo ng lungsod na tinitirhan upang matiyak ang halaga na babayaran.

● Mga kinakailangang dokumento:
Mangyaring i-download ang application form para sa iksemsyon mula sa website ng lungsod na pinaninirahan o hilingin na ipadala ito sa pamamagitan ng koreyo.
Para tiyakin ang iba pang kinakailangang dokumento, mangyaring tingnan din ang website
ng lungsod o bayan na pinaninirahan para matiyak ang iba pang kinakailangang dokumento.

Halimbawa ng mga kailangang dokumento (maaaring naiiba depende sa lungsod)
① Porma para sa aplikasyon ng iksemsyon.
② Mga dokumentong nagpapakita na ang kita ay inaasahang mababawasan ng 30% o higit pa.
③ Kopya ng Final Income Tax Return (kakutei shinkoku) at sertipiko ng Withholding Tax
(gensen choshuhyo) na nagpapakita ng kita sa taong 2019.
④ Kung tumutugma sa nakasulat sa itaas na para sa "A", kailangan ang "sertipiko na nagpapatunay ng pagkamatay" o "sertipiko na pang-medikal" mula sa doktor.
⑤ Kung tumutugma sa nakasulat sa itaas na para sa "B", kailangan ang sertipiko na nagpapakita ng pagsasara ng negosyo o pagkawala ng trabaho.

●Paano at Saan mag-apply para sa Iksemsyon o diskwento:
Bilang isang pangkalahatang tuntunin, mangyaring ipadala ang porma ng aplikasyon para sa iksemsyon at mga kinakailangang dokumento sa pamamagitan ng koreyo sa National Health Insurance window sa tanggapan ng munisipyo ng lungsod o bayan na pinaninirahan.

●Deadline ng Aplikasyon: Pagtatapos ng buwan ng Marso, 2021


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ