配信日
2020年12月14日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-30]【Gastos sa Pag-aaral sa Unibersidad】
Alam ba ninyo kung magkano ang kinakailangang halaga upang makapagtapos ng unibersidad sa Japan?
Ang gastos sa pag-aaral sa unibersidad sa Japan sa loob ng apat na taon ay halos \4,000,000 - \6,000,000
sa pribadong unibersidad at halos \2,500,000 sa pambansa at pampublikong unibersidad (maliban sa kursong pangmedikal).

Para sa pagsusulit para makapasok sa unibersidad (entrance test):
Pagsusulit sa unibersidad (\15,000~\35,000 kada entrance test.
※Kung kukuha ng pagsusulit sa maraming unibersidad, ang gastos ay dadami depende sa bilang ng unibersidad.)

Para sa enrollment sa unibersidad:
Enrollment fee, tuition fee o matrikula (para sa 6 na buwan): \500,000~\1,000,000
Hindi maaring magpatala o mag-enroll kapag hindi nabayaran sa loob ng takdang panahon.

Kabuuang halaga na babayaran para sa unang taon sa unibersidad:
Ang mga sumusunod ay mga pangkaraniwang halaga:
Kurso ng Liberal arts sa pribadong unibersidad (halos \1,150,000), kurso ng agham sa pribadong unibersidad (halos \1,500,000), pampublikong unibersidad (halos \940,000), pambansang unibersidad (\820,000).

Halimbawa ng kinakailangang halaga bago makapag-aral sa unibersidad:
Gastos sa cram school o juku (\50,000~\100,000 bawat buwan)

●Sistema ng Scholarship
Ang JASSO (Japan Student Services Organization) ay pangkaraniwang inaaplayan na scholarship
ng maraming estudyante sa unibersidad sa Japan.
Mangyaring itanong sa mataas na paaralan o high school na pinapasukan, dahil ang pag-apply para sa scholarship dito ay batay sa katayuan ng paninirahan o visa status sa Japan.
May dalawang uri ng scholarship at ito ay "student loan" na kailangang bayaran at benefit type" na hindi kailangan bayaran.
※Ang scholarship na "benefit type" ay hindi lamang binabatay sa grado o marka,
kasama na dito kung naaangkop sa pamantayan ang halaga ng kita ng sambahayan at mayroong pagnanais na makapag-aral ang estudyante.

Kapag naging third year senior high school, itanong sa paaralan kung kailan ang panahon ng aplikasyon sa scholarship.
Gayunpaman, kahit na nakapasa sa scholarship, ang unang monthly scholarship ay matatanggap matapos magsimula ang pasukan, kaya't hindi ito maaaring gamitin bilang pambayad sa enrollment fee.

Mayroong guidebook tungkol sa kailangang halaga para sa pag-aaral sa unibersidad.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan din ang sumusunod na website.
ABC Japan "Guidebook to Go on to University"
www.abcjapan.org/go_on_to_university/
Nakasalin ito sa wikang Portuges, Ingles at Intsik.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ