配信日
2020年12月18日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-31]【Libreng Konsiyerto para sa mga Magulang at Anak】
Ang Kanagawa Kenritsu Ongakudo o "Kanagawa Prefectural Music Hall" ay itinatag noong 1954 at ito ang pinakalumang public music hall sa Japan.
Maraming mga tanyag na musikero mula sa iba't-ibang bansa ang bumibisita at nagtatanghal ng konsiyerto dito na kalimitan ay musikang klasiko.
Gaganapin dito ang isang libreng konsiyerto na magpapasaya sa mga magulang at anak.
Mayroon ding hindi pangkaraniwang pagtatanghal na gamit ang de-koryenteng instrumento at instrumentong maihahalintulad sa isang malaking metal na plato.
Mayroon din tinatawag na "tour" o paglilibot upang tuklasin ang mga lugar na karaniwa'y di-pinahihintulutang pasukin tulad ng dressing room at stage.
Halina kayo at magsaya kasama ang inyong mga anak!

Music Hall Open Theater 2020 "Ongakudo Open Theater 2020"
Petsa: Enero 6, 2021 (Miyerkules)
Bayad sa Pagpasok: Libre
Lugar: Kanagawa Kenritsu Ongakudo
(10 minutong lakad mula sa JR Sakuragicho station/Keikyu Line Hinodecho station)
Yokohama-shi Nishi-ku Momijigaoka 9-2
Pagparehistro: Mangyaring magparehistro ng maaga sa website.
URL: https://opentheatre2021.com/
Mayroong video na magpapakita ng pagtugtog ng mga tradisyonal na instrumento sa Japan tulad ng Japanese koto at drums(taiko). (Sisimulan sa katapusan ng Enero)
Mangyaring panoorin din ito.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ