配信日
2020年12月22日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-32]【Malapit ng matatapos ang taong 2020】
Kumusta ang taong 2020 para sa inyo?
Nais namin ipagbigay-alam ang mga bagay na nararapat na pag-ingatan sa pagtatapos ng taong 2020.

●Konsultasyon sa Ospital
Ang mga ospital ay sarado sa bakasyon ng pagtatapos ng taon at bagong taon.
Tiyakin kung mayroong sapat na gamot hanggang sa susunod na pagpunta sa ospital at kung saan ang ospital na maaaring mapuntahan sa panahon ng biglaang pagkakasakit.

●Mag-ingat sa mga nakakahawang sakit
Sa panahon ng taglamig, madaling makapitan ng mga karamdaman tulad ng trangkaso(influenza), sipon, pulmonya at malubhang kabag(gastroenteritis).
Mag-ingat din sa COVID-19.
Kapag lalabas ng bahay, magsuot ng mask, magmumog at maghugas ng kamay.
Matulog at kumain nang sapat para sa kalusugan.

●Mag-ingat sa mga aksidente sa sasakyan
Dumarami ang nagmamaneho ng sasakyan sa bakasyon ng pagtatapos ng taon at bagong taon.
Para sa mga nagmamaneho ng sasakyan o hindi man, mangyaring mag-ingat sa mga aksidente sa sasakyan.

●Iwasan ang labis na pagkain at pag-inom
Dumadalas ang okasyong kumain o uminom dahil sa mga year-end parties (bonenkai) at new year parties (shinnenkai).
Mag-ingat sa acute alcoholism (pagkalason sa bigla at labis na pag-inom ng alak), food poisoning at sa impeksiyon sa mikrobiyo.

●Mag-ingat sa mga magnanakaw
Kapag napupuno ng sulat o koreyo ang inyong mail box, mahahalata na walang tao sa bahay.
Tiyaking magsara ng susi ng bahay kahit sa maikling panahon na pag-alis.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ