配信日
2021年01月05日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-35]【Manigong Bagong Taon!】
Manigong Bagong Taon sa inyong lahat.
Ang taong 2021 sa bansang Hapon ay tinatawag na "Reiwa 3-Nen", ika-3 taon ng Reiwa.

Mayroon kaming quiz para sa inyong lahat!

Alin sa mga sumusunod ang mabisang paraan para makaiwas magka-COVID 19?
Pumili ng wastong sagot.

① Magsabit ng sibuyas sa kama sa pagtulog.
② Uminom ng alak para ma-disimpektahan ang lalamunan.
③ Maghugas ng kamay gamit ang sabon at magsuot ng mask.

Mula sa mga nakasagot ng tama sa quiz na ito, padadalhan ng premyo ang 100 katao na mapipili sa pamamagitan ng raffle o pagbunot.

Mangyaring magpadala ng e-mail sa infokanagawa@kifjp.org na kalakip ang mga sumusunod:
・Pangalan
・Postal code at address
・Nasyonalidad o kung saan ang inyong pinanggalingang bansa
・Sagot sa quiz

Lumalamig na ang panahon, kaya't mangyaring mag-ingat na hindi madapuan ng sipon o trangkaso (influenza).
Gayundin, mag-ingat na hindi mahawaan ng COVID-19!


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ