配信日
2013年01月08日
配信先グループ
Tagalog
[IKT12-42]Matiwasay na Taon para sa Lahat
Unang paghahatid ng INFO KANAGAWA ngayong taon.
Taong 2013, Heisei 25.
Ang taong 2013 ay Taon ng Ahas sa Japanese Eto o Zodiac sign.
Nawa ay maging tahimik at matiwasay ang taong ito para sa lahat.

Dalawang taon na ang nakalipas magmula ng mangyari ang malakas na lindol sa Higashi Nihon (Hilagang Hapon).
Hindi natin masasabi kung saan at kailan mangyayari ang lindol.
Laging maghanda ng emergency supplies, pagkain, tubig at pag-usapan sa pamilya kung ano ang nararapat na gawin sa oras na dumating ang lindol.

■「Mga Hakbang ng Pag-iingat sa Panahon ng Lindol」Kanagawa Municipality International Policy Research Group
(Tagalog, Espanyol, Thai, Vietnamese, Lao, Cambodian)
http://www.pref.kanagawa.jp/uploaded/attachment/16755.pdf

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ