配信日
2021年02月16日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-39]【Para sa mga taong nahihirapan sa pamumuhay dahil sa epekto ng COVID-19】
Pabatid para sa mga taong nahihirapan sa pamumuhay dahil sa pagbaba ng kita dulot ng pansamantalang paghinto ng trabaho, paghinto ng negosyo o nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Ang gobyerno ay mayroong programang pagpapahiram ng pera.
Walang interes at hindi kailangan ng tagapanagot o guarantor.

① Kinkyu Koguchi Shikin, "Maliit na Pondo Pang-emerhensiya" (Emergency Small Amount Fund)
Magpapahiram ang gobyerno ng maliit na halaga ng pera pang-emerhensiya sa mga taong pansamantalang nagigipit at nahihirapan na mapanatili ang kabuhayan.
Ang halaga ng mahihiram ay hindi hihigit sa \200,000.
Ang halaga ng mahihiram na pera ay nag-iiba depende sa sitwasyon ng sambahayan.
Mangyaring ibalik o bayaran ito sa loob ng 2 taon.


② Sougou Shien Shikin, "Suporta para sa Pangkalahatang Pondo"(General Support Fund)
Hindi hihigit sa \200,000 bawat buwan: Para sa mga sambahayan na may 2 katao ang miyembro o higit pa
Hindi hihigit sa \150,000 bawat buwan: Para sa mga sambahayan na 1 tao lang ang miyembro

Ang pagpapahiram ng pera ay hindi lalampas ng 3 buwan.
Mangyaring ibalik o bayaran ito sa loob ng 10 taon.

Para sa ①②,mangyaring sundin ang pamamaraan ng aplikasyon sa kalapit na "Social Welfare Council".

Tingnan ang sumusunod na website para sa listahan ng "Social Welfare Council"
sa prepektura ng Kanagawa. (Wikang Hapon)
http://www.knsyk.jp/s/shiru/kashitsuke_sougou.html

Detalye sa ibang wika:
Ingles https://corona-support.mhlw.go.jp/seikatsufukushi/en/index.html


③ Jukyo Kakuho Kyufukin "Benepisyo para sa Seguridad ng Tirahan" (Housing Security Benefit)
Ang mga taong hindi makakabayad ng renta ng tirahan dahil sa pagbaba ng kita ay maaaring makatatanggap ng Benepisyo para sa Seguridad ng Tirahan, o "Jukyo Kakuho Kyufukin" sa loob ng 3 buwan (pinakamahaba ang 9 na buwan).
Mangyaring kumonsulta sa Self-reliance Support Centers (Jiritsu Sodan Shien Kikan).

Tingnan ang sumusunod na website para sa listahan ng mga Self-reliance Support Centers. (Wikang Hapon)
http://www.pref.kanagawa.jp/docs/r6w/cnt/f533087/index.html

Detalye sa ibang wika:
Ingles https://corona-support.mhlw.go.jp/jukyokakuhokyufukin/en/index.html


④ Para sa mga taong hindi kayang magbayad ng kuryente, gas, tubig at telepono.
Mayroong mga kumpanya na pumapayag na ipagpaliban ang pagbabayad ng mga bayarin.
Maaaring may pagkakaiba depende sa kumpanyang nakakontrata at munisipalidad na pinaninirahan.
Mangyaring tingnan ang website na nakasulat sa invoice o talaan ng bayarin upang matiyak ang impormasyon.

Para sa ibang mga suporta ng bansa:
https://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/koyou_roudou/koyou/jigyounushi/page11_00001.html

Simpleng Wikang Hapon https://www.mhlw.go.jp/content/000682444.pdf
Ingles https://www.mhlw.go.jp/content/000679381.pdf
Tagalog https://www.mhlw.go.jp/content/000679387.pdf

★Para sa mga taong hindi nakakaalam ng pamamaraan, mangyaring tumawag sa "Multilingual Support Center Kanagawa".
Magbibigay kami ng impormasyon at tutulungan namin kayo.
045-316-2770 http://kifjp.org/kmlc/


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ