配信日
2021年03月30日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-44]【Libreng Konsultasyon sa Telepono tungkol sa Katayuan ng Paninirahan (visa) ng mga Dayuhang Bata】
May serbisyong konsultasyon tungkol sa katayuan ng paninirahan (visa) ng dayuhang bata, at maaaring kumunsulta sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, sa administrative scrivener (gyosei shoshi)
na marunong sa pamamaraan na nararapat sundin.

Mga taong maaring tumawag: dayuhang bata, magulang, guro at tagasuporta
※ Kahit na ang mismong bata ay maaring tumawag!

Numero ng Telepono: 045-227-5560
Oras: 1:30pm-4:30pm

Wika at Araw:
Wikang Hapon - Lunes, Miyerkules, Biyernes
Ingles - Miyerkules
Intsik - Biyernes
Espanyol - Ika-4 na Biyernes ng buwan
Portuges - Ika-4 na Biyernes ng buwan

Gastos: Libre (Hanggang 30 minuto ang isang konsultasyon)
Maaring kumonsulta tungkol sa:
・"Katayuan ng Paninirahan (visa) at Pagpasok sa Paaralan"
・"Katayuan ng Paninirahan(visa) at Trabaho"

Mangyaring ihanda ang registration card (zairyu card) sa pagtawag sa telepono.
Ito ay pinamamahalaan ng Kanagawa Administrative Scriveners Association.

Para sa pagkonsulta sa iba pang mga wika, mangyaring tumawag sa Multilingual Support Center Kanagawa.
TEL: 045-316-2770
http://kifjp.org/kmlc/


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ