配信日
2021年04月16日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-2]【Tungkol sa Bakuna laban sa COVID-19】
Ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ay sinimulan na sa Japan.
Nakatakda ang panahon ng pagbabakuna hanggang katapusan ng Pebrero, 2022.

Ang unang mababakunahan ay mga healthcare workers (manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan).
Pagkatapos nito, inaasahan na mababakunahan ang mga may edad na 65 taong gulang pataas, mga taong may mga karamdaman maliban sa matatanda, at mga careworkers o taong nagtatrabaho
sa mga pasilidad na nangangalaga sa mga matatanda.
Pagkatapos nabakunahan ang nasabing grupo, ay mababakunahan ang iba pang mga tao.
Ang bakuna ay para sa mga taong mahigit pa sa 16 na taong gulang.
Kailangang mabakunahan ng 2 beses.
Ang pagbabakuna ay libre.
Ang mga dayuhan sa Japan ay maaari ring makakatanggap ng bakuna.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring maghintay ng abiso mula sa tanggapan ng lungsod o lokal na pamahalaan ng inyong pinaninirahan.

Kung mayroong anumang katanungan, mangyaring tumawag sa Multilingual Support Center Kanagawa.
www.kifjp.org/kmlc/tag/
045-316-2770

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ