配信日
2021年04月28日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-3]【Pag-aaral ng wikang Hapon na magagamit sa Trabaho】
Sisimulan ang libreng kurso o pagsasanay ONLINE upang magkaroon ng kinakailangang kaalaman at impormasyon tungkol sa wikang Hapon na magagamit sa pagtatrabaho sa Japan.

Tingnan ang website para sa schedule at paraan ng pagsali.
https://www.jice.org/tabunka/recruit/ 

https://www.jice.org/tabunka/pdf/leaflet_kanagawa.pdf?202011271554

●Nilalaman ng pagsasanay:
・Pakikipag-usap sa wikang Hapon sa trabaho.
・Mga patakaran sa pagtatrabaho sa Japan.
・Paraan ng pagsulat ng biodata o Rirekisho.

●Kwalipikasyon:
・Para sa mga naghahanap ng trabaho sa Japan.
・Mga taong walang trabaho dahil sa kakulangan sa kaalaman sa wikang Hapon.
・Mga walang trabaho dahil hindi sapat ang impormasyon na nakukuha para magtrabaho sa Japan.

●Mga kondisyon ng visa: Mga dayuhang naninirahan sa Japan na naangkop sa mga sumusunod na visa:
・Asawa ng Hapon (Haigusha visa)
・Permanenteng residente (Eiju visa)
・Asawa ng permanenteng residente (Eijusha no Haigusha visa)
・Long-term (Teiju visa).

●Paraan ng Pag-apply: Mangyaring mag-apply sa Hello Work na malapit sa tirahan.
○ Hello Work sa Prepektura ng Kanagawa: https://jsite.mhlw.go.jp/kanagawa-hellowork/list.html

○Hello Work sa prepektura ng Kanagawa na may tagasalin ng wika depende sa araw:
https://jsite.mhlw.go.jp/kanagawa-roudoukyoku/madoguchi_annai/soudanmadoguchi/_95955/gaikokujin.html

●Mga kailangan sa pag-apply: ID picture (4cmx3cm), Residence Card/Pasaporte.

●Para sa katanungan: Japan International Cooperation Center JICE(03-6838-2723)


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ