配信日
2021年05月14日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-5]【Para sa mga Taong Nais Umupa ng Pampublikong Apartment】
Alam ba ninyo ang Pampublikong Apartment?
May pampublikong apartment na pinamamahalaan ng prepektura, lungsod at ng munisipalidad.
Ang renta sa pampublikong apartment ay mas mura kaysa sa pangkaraniwang pinapaupahan.
Mayroong mga nakatakdang kondisyon para sa mga taong nais mangupahan sa pampublikong apartment.
Mangyaring tumawag sa telepono upang malaman ang detalye.

●Apartment ng Prepektura
Maaring mag-apply tuwing Mayo at Nobyembre bawat taon. (Ang makakaupa ay pipiliin sa pamamagitan ng bunutan.)
Mayroong mga apartment na maaring mag-apply anumang panahon. (First come-first served basis)
Maari rin mag-apply sa apartment ng prepektura ng Kanagawa ang mga kasalukuyang hindi naninirahan sa naturang prepektura.
Lahat ng taong lilipat sa pampublikong apartment ay kinakailangang magsumite ng sertipiko ng paninirahan (juminhyo).
Kanagawa Tochi Tatemono Hozen Kyokai (045-201-3673 / 045-201-9966)


●Apartment ng Munisipalidad
Mangyaring magtanong sa munisipyo, town hall o tanggapan ng distrito sa lugar na pinaninirahan.

★Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring magtanong sa tanggapan ng prepektura ng Kanagawa, sa Kanagawa Prefectural Housing Supply Corporation at maaari rin magtanong sa munisipyo ng lungsod na pinaninirahan.

Para sa tagasalin ng wika sa pamamagitan ng telepono, maaring makatulong ang "Multilingual Support Center Kanagawa" 045-316-2770 https://kifjp.org/kmlc/

★Para sa mga taong nais kumonsulta tungkol sa pabahay gamit ang ibang wika, mangyaring kumonsulta sa "Kanagawa Housing Support Center for Foreigners".
https://sumasen.com/index.html
045-228-1752 Lunes hanggang Biyernes 10:00~17:00

Suportadong Wika: Intsik, Koreyano, Espanyol, Portuges, Ingles, Nepalese, Vietnamese, Thai, Tagalog, Simpleng Wikang Hapon
Mangyaring tumawag sa telepono upang malaman ang nakatakdang araw ng bawat suportadong wika.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ