配信日
2021年07月21日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-13]【Impormasyon tungkol sa Bakuna ng COVID-19 na nakasalin sa Maraming Wika】
Isinasagawa na sa Japan ang pagbabakuna para sa COVID-19.
Ipinapa-alam namin sa inyo ang website na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa
pagbabakuna na nakasalin sa maraming wika at call center na matawagan gamit ang
iba't-ibang wika.

●Multilingual website
Ang website ng NHK WORLD JAPAN ay naglalaman ng impormasyon sa iba't ibang wika tungkol sa pamamaraan
ng pagbabakuna at mga FAQ (mga katanungan at sagot).

Halimbawa ng FAQ:
Kailan at saan maaaring magpabakuna?
Ano ang tuntunin sa pagtanggap ng bakuna?
Ano ang pamamaraan ng pagpapareserba at iskedyul?

Suportadong Wika:
Ingles, Intsik, Vietnamese, Espanyol, Portuges, Arabian, Bengali, Burmese, Pranses, Hindi, Indonesian,
Hangul, Persian, Ruso, Swahili, Thai, Urdu, wikang Hapon
※Mangyaring tandaan na mayroong pagkakaiba ang katayuan sa pag-update ng bawat wika.

https://www.nhk.or.jp/nhkworld-blog/200/449742.html?cid=wohk-doml-org_vod_vaccination_updates_gs-202105-003

●Multilingual Call Center
Ang Ministry of Health, Labour and Welfare ay nagbukas ng call center para sa mga katanungan tungkol
sa pagbabakuna ng COVID-19 na may suporta sa iba't-ibang wika.

TEL. NO: 0120-761-770 (Free Dial)
Suportadong Wika at Oras:
Wikang Hapon, Ingles, Intsik, Portuges, Espanyol, Koreyano...9:00-21:00
Vietnamese...10:00-19:00
Thai...9:00-18:00
Bukas din sa araw ng Sabado, Linggo at pista opisyal.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ