配信日
2021年08月11日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-16]【Mag-ingat sa Heat stroke!】
Mainit na ang panahon. Mag-ingat sa heat stroke!
Mayroong polyeto na nakasalin sa maraming wika, na nagpapaliwanag ng mga hakbang tungkol sa pag-iwas sa heat stroke.

Mangyaring tingnan ang sumusunod na website.

https://www.mhlw.go.jp/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/nettyuu/nettyuu_taisaku/pdf/necchushoyobou/necchushoyobou_ph.pdf

https://www.mhlw.go.jp/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/nettyuu/nettyuu_taisaku/pdf/seikatuyousiki/seikatuyousiki_tg.pdf

●Tungkol sa paggamit ng Mask
Ang pagsusuot ng mask sa mainit o maalingsangang kapaligiran ay maaring makadagdag sa peligro ng heat stroke, kaya tanggalin ang mask kung mapapanatili ang distansya (hindi bababa sa 2 metro) mula sa ibang tao habang nasa labas.
Kapag nakasuot ng mask, iwasan ang mabigat na trabaho at pag-eehersisyo, at dalasan ang pag-inom ng tubig kahit na hindi nakaramdam ng pagka-uhaw.
Mahalaga ding magpahinga na pansamantalang alisin ang mask sa mga lugar kung saang maaring mapanatili ang sapat na distansiya mula sa mga tao sa paligid.

●Tungkol sa paggamit ng air conditioner
Ang paggamit ng air conditioner ay nakatutulong upang maiwasan ang heat stroke. Gayunpaman, kapag gumagamit ng air conditioner, kailangang ding buksan ang bintana o buksan ang exhaust fan para may sapat na bentilasyon at makaiwas sa impeksyon ng COVID-19.
Maaring tumaas ang temperatura sa loob ng kwarto dulot ng bentilasyon, kaya kailangang babaan ang naka-set na temperatura ng air conditioner.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ