配信日
2013年01月23日
配信先グループ
Tagalog
[IKT12-45]Tanggapan ng Mag-aaral sa Bokasyonal at Teknikal na Paaralan ng Prepektura para sa pasukan ng Abril, 2013
Tumatanggap ng mga mag-aaral sa Bokasyonal at Teknikal na Paaralan sa Yokohama (East Campus), Hadano (West Campus. Bukas ang paaralan sa Abril, 2013).
Ang mga kursong mapag-aaralan ay automobile mechanics, landscape gardening, electrical, school lunch cooking course, at iba pa.
Ang pagpapatala at pilian (Mathematics, English, Interview) at mga klase ay gaganapin lahat sa wikang Hapon.

■Takdang Panahon: 2-taon, 1-taon, 6 na buwan
■Bayad sa Pag-aaral: May bayad ang 2-taon at 1-taon na kurso. May ilang mga kursong pang-1 taon at pang-6 na buwan na walang bayad. Gayunpaman, kailangan bayaran ang pansariling gamit sa pag-aaral at uniporme.
■Huling Araw: Pebrero 4 (Lunes)
■Petsa ng Pilian: Peb. 17 (Linggo)
■Petsa ng Anunsyo ng mga Nakapasa: Peb. 28 (Huwebes)
■Araw ng Pagpapatala: East Campus: Abril 5 (Biyernes), West Campus: Abril 10 (Miyerkules)
■Petsa ng Orientation:
Enero 29 (Martes) 13:00~/15:00~ Green Hall Sagami-Ono, Multipurpose Hall(Sagami-Ono)

Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring bumisita sa Homepage na nakatala sa ibaba.
http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f360926/

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ