配信日
2021年09月01日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-19]【Impormasyon tungkol sa Pagbabago ng Tuntunin sa Paglikas】
Ang Setyembre 1 ay Araw ng Pag-iwas sa Sakuna/ Disaster Prevention Day.
Kapag may panganib sa pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng matinding pag-ulan o bagyo, kinakailangang lumikas sa isang ligtas na lugar.
Tiyakin kung nasaan ang evacuation center na malapit sa inyong tahanan.

Alam ba ninyo ang “keikai reberu (level)” o antas ng alerto ng sakuna?
May antas ng alerto mula sa 1 hanggang 5, at level 1 ang pinaka-mababa habang level 5 ang pinaka-mataas na antas.
Ngunit ang impormasyon tungkol sa tuntunin ng paglikas ay binago ngayong taon.
Kapag umabot sa level 4 ang antas ng alerto, mataas ang panganib na maidudulot ng sakuna.
Mangyaring lumikas bago umabot sa level 4 ang antas ng alerto.
Ang antas ng alerto ay ipinapahayag sa telebisyon at internet.
Mangyaring alamin mabuti ang mga ito.

Maaring basahin ang ang pagsasalin sa iba’t-ibang wika mula sa QR code ng
sumusunod na website.
www.bousai.go.jp/oukyu/hinanjouhou/r3_hinanjouhou_guideline/pdf/PH_omote.pdf 
http://www.bousai.go.jp/oukyu/hinanjouhou/r3_hinanjouhou_guideline/pdf/poster_multi.pdf

Mababasa din ang impormasyon na isinalin sa iba’t-ibang wika sa gitnang bahagi ng sumusunod na website.
http://www.bousai.go.jp/oukyu/hinanjouhou/r3_hinanjouhou_guideline/

Ang Kanagawa International Foundation ay gumagawa ng mga materyales na nakasalin sa iba’t-ibang wika na may impormasyon tungkol sa mga sakuna.
Binago namin ang flyer tungkol sa “Matinding paglakas ng ulan at Bagyo” dahil sa mga pagbabago ng mga impormasyon tungkol sa paglikas sa panahon ng sakuna.
Mangyaring tingnan ang flyer na ito sa sumusunod na website.
https://www.kifjp.org/wp-new/wp-content/uploads/2021/08/05_2021taihoon_TA_web.pdf


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ