配信日
2021年09月29日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-23]【Mga Benepisyo para sa mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan】
Mayroong iskolarsip na tinatawag na “Kanagawa-ken Koukousei nado Shogaku Kyufukin (Benepisyo para sa mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan sa prepektura ng Kanagawa)” para sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan sa prepektura ng Kanagawa.
Ang iskolarsip na ito ay nagbibigay ng tulong na pinansiyal para sa panggastos sa edukasyon, bukod sa pambayad sa matrikula (mga aklat, gamit sa paaralan, bayad sa pagiging miyembro ng PTA, paglalakbay o educational trip ng paaralan, atbp.).
Hindi ito kailangang isauli.
Maaring mag-apply ang mga sambahayan na naaangkop sa mga sumusunod na batayan.
・Ang mga magulang/ tagapangalaga ay nakatira sa prepektura ng Kanagawa.
(※ Kung nakatira sa ibang lugar, mangyaring makipag-ugnay sa pamahalaan ng prepektura na pinaninirahan).
・Ang sambahayan ay tumatanggap ng tulong na pananalapi para sa pamumuhay (seikatsu hogo) o may iksemsyon sa pagbayad ng buwis ng paninirahan o residential tax.
・May isang miyembro ng sambahayan na nakatala o enrol sa mataas na paaralan.

Ang halaga na ibibigay bawat taon ay mula \32,300 hanggang \150,000.
Ang porma ng aplikasyon ay isusumite bago mag-Disyembre 15, subalit may pagkakaiba ang bawat paaralan kaya higit na makakabuti na isumite ito sa paaralan sa lalong madaling panahon.
Para sa detalye, mangyaring suriin ang sumusunod na website.
Pampublikong paaralan: https://www.pref.kanagawa.jp/docs/en7/cnt/f531013/gaikokugo.html
(Wikang Ingles, Intsik, Koreyano, Espanyol, Portuges, Thai, Tagalog, Nepalese, Vietnamese, Cambodian)

Pribadong paaralan
https://www.pref.kanagawa.jp/docs/v3e/jyosei/gakuhisien/syougakukyuuhukinn.html
(Wikang Hapon)


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ