配信日
2013年01月24日
配信先グループ
Tagalog
[IKT12-46]Paalala tungkol sa Scholarship o Shogakukin
Suportang pananalapi para sa pamumuhay ng mga dayuhang naninirahan sa Japan o dating naiiba ang nasyonalidad na naninirahang mag-aaral sa senior high school, paaralang bokasyonal at kolehiyo.
Ang nararapat na makatanggap nito ay mga taong naaangkop sa sumusunod na bilang (1)~(3).

(1) Mga dayuhang naninirahan sa Japan o dating naiiba ang nasyonalidad na naninirahang mag-aaral at naangkop sa alinman sa a), b) na inilalarawan sa ibaba.
a) Indo-China Refugee / Treaty Refugee at kanilang mga anak.
b) Mga anak ng Returnee mula sa Tsina / mga residente ng Japanese o decent(Nikkeijin) at kanilang mga anak.
※Maaaring mag-aplay ang mga dayuhan o mga taong dating naiiba ang nasyonalidad na naninirahan sa Japan at naaangkop ang sitwasyon sa alinman sa a), b) na inilarawan sa itaas.
※Hindi maaaring mag-aplay kapag ang estado ay student visa.
(2) Mga mag-aaral na nahihirapang magbayad ng matrikula o bayad sa pag-aaral.
(3) Mga mag-aaral sa senior high school, bokasyonal sa paaralan at kolehiyo na maninirahan sa Japan sa Abril, 2013 at mga magsisimulang pumasok sa paaralan sa Abril, 2013.

■2013 Academic Year “Seikatsu Shien Program” information Mahalagang paksa sa pagbibigay ng suporta sa pamumuhay (Hapones)
http://www.support21.or.jp/what_we_do/2013seikatu_youkou.pdf

■Takdang Panahon: Abril, 2013 ~ Marso, 2014
■Huling araw: Peb. 5 (Martes)
■Katanungan: Tanggapan ng Social Welfare Support 21 TEL: 03-5449-1311
E-mail:info@support21.or.jp

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ