配信日
2021年10月29日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-28]【Tungkol sa Sertipiko ng Pagbabakuna laban sa COVID-19 (Vaccine Passport)】
May ilang mga bansa na mas maluwag ang pamamaraan sa pagsusuri sa pagpasok sa bansa, kapag may patunay na nakumpleto na ang bakuna sa ibang bansa.
Ang lokal na pamahalaan ng Japan ay maglalabas ng sertipiko ng pagbabakuna (vaccine Passport) na opisyal na magpapatunay na nabakunahan laban sa COVID-19.

Ang Nararapat:
Mabibigyan ng sertipiko ang mga taong tumutugon sa sumusunod na dalawang kondisyon.
(1) Mga taong gumamit ng kupon ng pagpabakuna (na natanggap mula sa lokal na pamahalaan) sa pagpabakuna.
(2) Mga taong may balak na maglakbay sa ibang bansa mula sa Japan.

Lugar ng aplikasyon:
Lokal na pamahalaan na nagpadala ng kupon ng pagpabakuna.

Mga kinakailangan sa pag-aapply:
(1) Porma ng aplikasyon (makukuha sa city hall o munisipyo ng tirahan)
(2) Pasaporte (Maari din mag-apply gamit ang pasaporte na inisyu ng banyagang gobyerno. Gayundin, kung nabago ang numero ng pasaporte matapos na matanggap ang sertipiko ng pagbabakuna, kakailanganing kumuha muli ng sertipiko ng pagbabakuna).
(3) Bahagi ng sticker sa kupon ng pagbabakuna kung saan nakasulat ang numero ng kupon (kapag nawala ito, maaaring sertipiko ng residente o “my-number card” o iba pang dokumento na nakasulat ang “my-number”.
(4) Sertipiko ng pagbabakuna o tala ng pagbabakuna (kapag nawala ito, maaring gamitin ang kopya ng pre-examination slip/yoshin hyou (sariling kopya)).
Mangyaring tiyakin ang mga detalye sa website ng lokal na pamahalaan ng tirahan.

Mga nilalaman ng sertipiko ng pagbabakuna (vaccine passport):
*Ang impormasyong tungkol sa taong tumanggap ng bakuna tulad ng pangalan at araw ng kapanganakan
*Tala ng Pagbabakuna (tulad ng uri ng bakuna at petsa ng pagtanggap ng bakuna)
*Numero ng pasaporte
Ang impormasyong ito ay nakasulat sa wikang Hapon at Ingles.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ