配信日
2021年11月10日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-30]【Para sa mga taong nahihirapan sa pamumuhay dahil sa COVID-19 Pandemic】
Para sa mga taong nabawasan ang kita dahil sa epekto ng COVID-19, mayroong mga ayuda at pautang na maaring matatanggap ng mga taong nahihirapan sa pamumuhay.
Ito ay pampublikong tulong ng bansa.
Nais naming ipaalam sa inyo na ang panahon ng aplikasyon para sa mga sumusunod na 4 na klaseng tulong ay pinalawig hanggang sa katapusan ng Nobyembre.

① [Pang-emerhensiya na maliit na pondo] (kailangang bayaran)
Nararapat: Mga sambahayan na nangangailangan ng pautang na maliit na halaga dahil sa pagbaba ng kita dulot ng pagsasara ng pinagtatrabahuan, o iba pang kadahilanan na emerhensiya at pangsamantalang paghihirap ng kabuhayan.
Pinakamataas na halaga ng pautang: hindi hihingit sa \200,000 (Walang interes. Mangyaring magbayad sa loob ng 2 taon)
Aplikasyon: Municipal Council of Social Welfare
Detalye: https://corona-support.mhlw.go.jp/seikatsufukushi/index.html
Mayroong bersiyon sa iba’t-ibang wika sa pinakailalim na bahagi ng website na nakasaad sa itaas. (Ingles, Espanyol, Portuges, Koreyano, Intsik, Vietnamese, Nepalese, Burmese, Bengali)

② Komprehensibong pondo ng suporta (kailangang bayaran)
Nararapat: Mga sambahayan na nahihirapang panatilihin ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay dahil sa pagbaba ng kita o kawalan ng trabaho.
Pinakamataas na halaga ng pautang: hindi hihingit sa \150,000 bawat buwan para sa mga sambahayan ng nag-iisang tao. At para sa mga sambahayan na may 2 o higit pang miyembro ay hindi hihigit sa \200,000 (walang interes).
Mangyaring magbayad sa loob ng 10 taon.
Panahon ng pagpautang: sa loob ng 3 buwan
Aplikasyon: Municipal Council of Social Welfare
Detalye: https://corona-support.mhlw.go.jp/seikatsufukushi/index.html
Mayroong bersiyon sa iba’t-ibang wika sa pinakailalim na bahagi ng website na nakasaad sa itaas. (Ingles, Espanyol, Portuges, Koreyano, Intsik, Vietnamese, Nepalese, Burmese, Bengali)

③ Ayuda pang-suporta para sa pagsasarili ng mga taong nangangailangan, dulot ng COVID-19 (hindi kailangang bayaran)
Nararapat: Maaring mag-apply ang mga sambahayan na dalawang beses na naka-utang ng ① “Pang-emerhensiya na maliit na pondo” at ② “Komprehensibong pondo ng suporta” na nakasaad sa itaas, o mga hindi naaprubahan ang pangalawang beses ng pangungutang.
Mayroong mga kailangang tugunan sa kita, ari-arian at paghahanap ng trabaho. Mangyaring tingnan ang website para sa mga detalye.
Matatanggap na halaga: \60,000 para sa mga sambahayan ng nag-iisang tao. \80,000 para sa mga sambahayan na may 2 miyembro. \100,000 para sa mga sambahayan na may 3 miyembro o higit pa.
Panahon ng pagbibigay: 3 buwan
Aplikasyon: Para sa mga nakatira sa mga lungsod (“Shi” o syudad) ng prepektura ng Kanagawa, mag-aplay sa tanggapan ng munisipyo ng bawat lungsod..
Para sa mga nakatira sa munisipalidad (“Cho” o “mura”) na hindi sakop ng syudad (“Shi”), mag-aplay sa Kanagawa Prefectural Office Welfare Children Mirai Bureau Welfare Department Life Support Division
Detalye: https://corona-support.mhlw.go.jp/seikatsufukushi/index.html
Mayroong bersiyon sa iba’t-ibang wika sa pinakaibabang bahagi ng website na nakasaad sa itaas. (Ingles, Espanyol, Portuges, Koreyano, Intsik, Vietnamese, Nepalese, Burmese, Bengali)

④ Benepisyo sa seguridad ng pabahay (hindi kailangang bayaran)
Nararapat: Mga taong hindi kayang magbayad ng renta ng bahay dahil sa pag-alis sa trabaho o pagsara ang negosyo sa loob ng nakaraang 2 taon, o pagbaba ng kita dahil sa pagtigil ng trabaho.
Mayroong mga kailangang tugunan sa kita, ari-arian at paghahanap ng trabaho. Mangyaring tingnan ang website para sa mga detalye.
Matatanggap na halaga: depende ito sa munisipalidad at bilang ng miyembro ng sambahayan
Paraan ng pagbayad: Ang local na pamahalaan ang direktang magbabayad sa may-ari ng paupahan o landlord.
Aplikasyon: Independence Consultation Support Center ng lugar na tinitirahan
Detalye: https://corona-support.mhlw.go.jp/seikatsufukushi/index.html
Mayroong bersiyon sa iba’t-ibang wika sa pinakaibabang bahagi ng website na nakasaad sa itaas. (Ingles, Espanyol, Portuges, Koreyano, Intsik, Vietnamese)


★Kung mayroong mga katanungan tungkol sa mga nakasaad sa itaas, mangyaring tumawag sa Multilingual Support Center Kanagawa.
Maaring makipag-usap sa iba’t-ibang wika. Walang bayad ito.
045-316-2770
https://kifjp.org/kmlc/tag/


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ