配信日
2013年01月30日
配信先グループ
Tagalog
[IKT12-47]Bakuna ng Tigdas (measles) at Rubella
Dahil sa pagbabago ng batas sa pagbabakuna, maaari ng tumangap ng libreng bakuna ng tigdas at rubella lahat ng estudyante na 1st year junior high school at 3rd year senior high school hanggang Marso 31, 2013.
Paalala lamang po na kinakailangan ng magbayad kapag magpabakuna mula Abril.
Kapag hindi nakapagpa-bakuna, maaaring maging dahilan ito na matanggihan ang pagtatrabaho, o pag-aaral sa kolehiyo dito sa bansa o sa ibang bansa.
Mangyari lamang na magpabakuna upang maiwasan ang pagkahawa ng pamilya o mga kaibigan.
Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring magtanong sa tanggapan ng pinaninirahang lungsod.

■Mga taong makakatanggap ng libreng bakuna.
Mga taong naaangkop sa mga sumusunod na edad: 1st year Junior High School (Ipinanganak mula Abril 2, 1999 ~ Abril 1, 2000), 3rd year Senior High School (Ipinanganak mula Abril 2, 1994 ~ Abril 1, 1995).
※Hindi na maaaring magpabakuna ang mga taong nakapagpabakuna na ng libre ngayong taong ito.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ