配信日
2021年12月23日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-34]【Malapit ng matapos ang taong 2021】
Kumusta ang taong 2021 para sa inyo?
Nagkaroon ng ilang mahirap na panahon tulad ng pag-deklara ng “state of emergency” (kinkyu jitai sengen), at pagsisimula ng bakuna sa COVID-19.
Nais naming iparating sa inyo ang mga nararapat tandaan sa pagtatapos ng taon at mga pista opisyal ng Bagong Taon.

●Pagkonsulta sa Ospital
Ang mga ospital ay sarado sa katapusan ng taon at mga pista opisyal ng Bagong Taon.
Mangyaring tiyakin kung mayroong sapat na gamot hanggang sa susunod na konsultasyon sa doktor at kung saan ang ospital na maaring mapuntahan kung sakaling biglang may karamdaman.

●Mag-ingat sa mga nakahahawang sakit
Sa panahon ng taglamig, madaling makapitan o mahawahan ng mga sakit na tulad ng trangkaso, sipon, pulmonya at malubhang kabag (gastroenteritis).
Mangyaring mag-ingat din sa COVID-19.
Kapag lalabas ng bahay, magsuot ng mask at maghugas ng kamay nang maayos.
Gayundin, matulog at kumain nang sapat.

●Mag-ingat sa mga aksidente sa sasakyan
Ang bilang ng mga taong nagmamaneho ng kotse ay dadami sa katapusan ng taon at mga pista opisyal ng Bagong Taon.
Nagmamaneho ka man o hindi, mangyaring mag-ingat sa mga aksidente sa sasakyan.

●Iwasan ang labis na pagkain at pag-inom ng alak
Maaring maging madalas ang okasyon ng pagkain at pag-inom ng alak dahil sa mga year-end at new year’s party.
Mag-ingat sa acute alcohol intoxication (pagkalason sa pag-inom sa alak) , food poisoning o pagkalason sa pagkain at sa impeksyon sa mikrobyo.

●Mag-ingat sa mga Magnanakaw
Kapag nakitang napupuno ang inyong mailbox, maaring malalaman na walang tao sa inyong bahay.
Kapag umaalis ng bahay kahit na maikling panahon, siguraduhing i-lock ang inyong bahay.


Kapag malapit na ang pagtatapos ng taon, sinasabi sa Japan, “Yoi otoshi o” bilang pagbati.
Ang ibig sabihin nito ay “nawa’y maging maganda ang inyong pagsalubong sa bagong taon ”.
Ito ay sinasabi bago magsimula ang bakasyon sa pagtatapos ng taon o sa huling pagkikita sa taon na ito.
Kung magkakaroon ng pagkakataon, batiin ninyo ang inyong mga kaibigan o kasamahan sa trabaho.

Sige, hanggang sa muli, at para sa inyong lahat, “Yoi Otoshi o!”


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ