配信日
2022年02月09日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-39]【 “KAKUTEI SHINKOKU” o Final Income Tax Return】
Ang Final Income Tax Return, "Kakutei Shinkoku" ay isang pamamaraan ng panghuling deklarasyon ng kita upang maisaayos ang labis o kakulangan ng buwis na batay sa kita mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2021 (ika-3 taon ng Reiwa)
at mga nakatakdang buwis na binayaran.

Walang abisong pinapadala mula sa Tanggapan ng Buwis o “ZEIMUSHO”, kaya kailangang kusang gawin ang pamamaraan.

●Ang mga sumusunod ay hindi na kailangan magdeklara ng Final Income Tax Return:
Mga pasahuring manggagawa na tapos na ang panghuling deklarasyon at wala nang kailangang ibabawas sa buwis.
Mga taong walang kita.
Mga taong mas malaki ang nabawas na buwis sa kita kaysa halaga ng kita.
Mga taong tumatanggap ng pampublikong pensiyon na halagang 4 na milyong yen o mas mababa at maliban sa pensiyon, may kita na halagang \200,000 o mas mababa.

●Halimbawa ng mga pasahuring manggagawa na kailangang magdeklara ng Final Income Tax Return:
Ang suweldo o kita ay mahigit sa 20 milyong yen.
Maliban sa suweldo, kumikita ng mahigit sa \200,000 mula sa real estate o iba pang pangkabuhayan.
Tumatanggap ng suweldo mula sa dalawang kumpanya o higit pa.
Gumastos para sa pagpapaospital o panganganak, kasama na ang nagastos sa transportasyon na mahigit sa \100,000.
Tumanggap ng pagbawas ng mortgage o bayad sa housing loan sa unang pagkakataon.
Hindi naisaayos ang pagdeklara ng buwis ng kita sa katapusan ng taon o year-end adjustment.

●Huling araw ng pag-file ng Final Income Tax Return.
Hanggang ika-15 ng Marso, 2022 (Martes)

●Lugar ng pagsumite:
Lokal na Tanggapan ng Buwis
Maaring gawin online.

Pambansang Ahensiya ng Buwis “KOKUZEI-CHO” (Wikang Hapon)
http://www.nta.go.jp/taxes/shiraberu/shinkoku/tokushu/index.htm

Smartphone App "Mynaportal App" (Kailangan ang My Number Card)
Paraan ng Paggamit (Wikang Hapon)
https://www.nta.go.jp/taxes/shiraberu/shinkoku/r2_smart_shinkoku/pdf/sumaho_gamenseni.pdf

●Mangyaring tingnan din ang mga sumusunod na website.
"Tungkol sa buwis" Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR)
(Simpleng Wikang Hapon) http://www.clair.or.jp/tagengorev/eja/l/02-1-2.pdf 
(Ingles) http://www.clair.or.jp/tagengorev/en/l/02_1_2.pdf 
(Tagalog) http://www.clair.or.jp/tagengorev/tl/l/02_1_2.pdf 


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ