配信日
2022年04月11日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-01]【Ang edad ng sapat na gulang ay ibinaba sa 18 taong gulang mula sa 20 taong gulang】
Sa Japan, ang edad ng hustong gulang o sapat na gulang (adult) ay nakatakda sa 20 taong gulang dati, ngunit mula Abril 1, 2022, ibababa ito sa 18 taong gulang.
Ipapaliwanag dito ang mga pagbabago dahil sa hakbang na ito.

● Mga magagawa kapag naging 18 taong gulang.
* Maaring gumawa o pumirma ng kontrata nang walang pahintulot ng kanilang magulang (kontrata sa mobile phone, kumuha ng loan o pautang, kumuha ng credit card, umupa ng kuwarto o tirahan, atbp.).
* Kumuha ng pambansang sertipikasyon tulad ng Certified Public Accountant (CPA), judicial scrivener o tagasuri ng mga dokumentong isusumite sa hukuman, lisensya ng doktor, lisensya sa parmasyutiko, atbp.
* Pagpakasal.
※ Ang edad na maaring magpakasal ang babae na 16 taong gulang dati ay itinaas sa 18 taong gulang. Samakatuwid, ang edad ng pagpakasal ng lalaki at babae ay parehong 18 taong gulang.
* Ang taong may gender identity disorder ay maaring magpetisyon sa korte ang pagbabago ng kasarian.

● Mga bagay na hindi maaring gawin kapag wala pang 20 taong gulang.
*Pag-inom ng alak
*Paninigarilyo
*Pagbili ng tiket para sa karera ng kabayo, karera ng bisikleta, karera ng sasakyan, karera ng bangka at iba pang sugal.
*Pag-ampon ng bata
*Pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho ng sasakyan na may katamtamang o malaking sukat (medium/large-sized).
※ Maaring makakuha ng lisensya sa pagmamaneho ng pangkaraniwang sasakyan sa edad na 18 taong gulang o higit pa tulad ng dating patakaran.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ