配信日
2022年05月11日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-03]【Mobile App ng Sertipiko ng Pagbabakuna laban sa COVID-19】
Ang COVID-19 vaccination certificate ay opisyal na nagpapatunay ng pagbakuna ng COVID-19 vaccine na isinasagawa sa bawat munisipalidad batay sa Japanese Vaccination Law.
Ginawa ng Digital Agency ang isang vaccination certificate (electronic/digital version) app na tinatawag na “COVID-19 Vaccination Certificate”.
Sa app na ito maaaring mapatunayan na nabakunahan na ang isang indibidwal ng COVID-19 vaccine.

●Ang maaaring gawin sa app:
・Maaaring kumuha ng dalawang klaseng sertipiko ng pagbabakuna laban sa COVID-19: isa para gamitin sa loob ng Japan at ang isa pa para gamitin sa ibang bansa.
・Ang sertipiko ng pagbabakuna na nakuha sa app ay maaaring makita sa anumang oras, sa pamamagitan ng pagbubukas o paglulunsad ng app.
・Maaaring suriin ang nilalaman sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code ng sertipiko ng pagbabakuna gamit ang ibang smartphone.

Ang pangalan, petsa ng kapanganakan, at talaan ng pagbabakuna (uri ng bakuna, petsa ng pagbabakuna, numero ng lot, atbp.) ay nakatala dito.
Para sa paggamit sa ibang bansa, ang nasyonalidad at numero ng pasaporte ay nakatala.

●Mga kailangan:
・My Number card
・My Number card PIN (4-digit na numero na tinakda noong tinanggap ang card)
・Pasaporte (para sa pagpapa-isyu ng sertipiko na magagamit sa ibang bansa)

●Paraan ng pag-install:
I-search sa App Store o sa Google Play ang「接種証明書アプリ」(I-search na naka-Japanese)at i-install sa smartphone.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ